^

Bansa

Abaya, handing bumaba sa pwesto

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Handa raw si DOTC Secretary Joseph Emilio Abaya na bumaba sa pwesto.

Reaksyon ito ni Abaya sa panawagan nina presidential aspirants Vice Pres. Jejomar Binay at Sen. Grace Poe na sibakin na sa pwesto si Abaya dahil sa kakulangan ng aksyon sa problema sa transportasyon.

Ayon kay Abaya, isang pribilehiyo lamang naman para sa kanya ang maglingkod sa bayan at batid niyang ang naturang  pribilehiyo ay maaaring alisin sa kanya anumang oras.

Sa kabila naman ng panawagan, sinabi na ni Pangulong Aquino na mananatiling kalihim ng DOTC si Abaya.

Samantala, ipinagmalaki naman ni Abaya na marami nang naipatupad na pagbabago sa mass transportation system ang kagawaran, kabilang na ang paggamit ng beep cards na pinag-isa na lang ang ticketing system sa mga tren ng MRT at LRT.

Ipinagmalaki rin nito ang mga karagdagang bagon na makukuha na ngayong taon.

Target ng DOTC na maging operational ang 48 bagong bagon sa Enero 2017.

vuukle comment

ABAYA

ANG

AYON

ENERO

GRACE POE

HANDA

IPINAGMALAKI

JEJOMAR BINAY

PANGULONG AQUINO

SECRETARY JOSEPH EMILIO ABAYA

VICE PRES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with