^

Bansa

Latest Pulse Asia inismol ng LP

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Minaliit na naman ng kampo ni Liberal Party (LP) standard bearer Mar Roxas ang latest Presidential survey ng Pulse Asia.

Ayon kay LP spokesperson at Caloocan City Rep. Edgar Erice, magbabago pa ang surveys, depende sa lalabas na advertisements, mga balita at iba pa na may kinalaman sa mga kandidato sa pagka-Pangulo.

Variables din umano ang disqualification cases laban sa ilang kandidato sa pagka-Presidente, gaya nina Senadora Grace Poe at Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Bukod dito, inamin din ni Erice na “bad” ang TV ads ni Roxas.

Sinabi pa ng kongresista na sa ngayon, ang malinaw ay dikit ang magiging laban sa pagitan ng mga Presidentiable.

Subalit pinaka-giit pa ni Erice na magsisimula ang totoong laban sa kampanya kung saan ang lahat ng Presidentiables ay pantay-pantay at kumbaga aniya sa basketball, mag-uumpisa ito sa 0-0.

Pagmamalaki pa ng LP spokesperson, ang kanilang partido ang may pinakamalaking makinarya at accomplishments dahil sa Daang Matuwid.

 

ANG

AYON

BUKOD

CALOOCAN CITY REP

DAANG MATUWID

DAVAO CITY MAYOR RODRIGO DUTERTE

EDGAR ERICE

LIBERAL PARTY

MAR ROXAS

PULSE ASIA

SENADORA GRACE POE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with