^

Bansa

May oras pa sa BBL - Palasyo

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naniniwala ang Mala­cañang na maipapasa pa rin sa ilalim ng admi­nistrasyon ni Pangulong Aquino ang Bangsamoro Basic Law.

Ito’y sa kabila ng kabiguan ng Senado at Kamara na maipasa ngayong taong 2015 ang BBL.

Ayon kay Sec. Sonny Coloma, mismong ang liderato ng dalawang ka­pulungan ng Kongreso ang nagbigay ng katiyakan sa Malacañang na maipasa ang panukala.

“We have been informed by Congress leaders that efforts will be exerted to pass the BBL when Congress resumes its sessions in January,” ani Coloma

Naniniwala si Coloma na sapat pa ang nalalabing sesyon ng Kongreso sa ilalim ng Aquino administration para maipasa ang BBL bago ang halalan sa susunod na taon.

“May nalalabi pang pagkakataon sa ilalim ng umiiral na proseso ng lehislatura upang mapabuti ang nilalaman ng BBL, kung kaya’t mahalaga ang magiging partisipasyon ng lahat ng miyembro ng Kongreso sa pagbabalik nila sa sesyon ng Kongreso sa susunod na Enero 2016,” ayon kay Coloma.

Una na ring sinabi ni Senate President Franklin Drilon na buhay pa ang panukalang Bangsamoro Basic Law, kahit pa hindi ito naipasa ng Kongreso sa taong kasalukuyan matapos na mag-adjourn ang sesyon ng mga mambabatas para sa kanilang Christmas break.

Taliwas ito sa sinabi ni Senate Local Governement Committee chairman Sen. Bongbong Marcos na malabo nang maipasa ang BBL sa Aquino administration dahil sa pagiging gahol na sa oras kaya’t inaasahang mapagtibay ito sa susunod nang administrasyon.

Ayon sa pangulo ng Senado, magpapatuloy pa ang deliberations sa BBL sa pagbabalik ng sesyon ng Kongreso sa Enero 18.

Binigyang diin ni Drilon na sa panig ng Senado ay walang problema ang mga senador sa Quorum taliwas sa Kamara na hirap nang maka-master ng quorum ngayong papalapit na ang halalan.

Una na ring sinabi ni House Speaker Sonny Belmonte na kabilang sa kanilang prioridad sa pagbalik ng sesyon ng Kongreso sa Enero ay ang BBL.

Ang BBL ang magtatatag ng Bangsamoro Region sa Mindanao alinsunod sa pinasok na kasunduan ng pamahalaan at MILF.

ACIRC

ANG

AQUINO

ATILDE

AYON

BANGSAMORO BASIC LAW

BBL

COLOMA

ENERO

KONGRESO

SENADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with