^

Bansa

Makiisa sa earthquake drill - Palasyo

Rudy Andal at Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hinikayat kahapon ng Malacañang ang lahat ng pribado at pampublikong tanggapan ng gobyerno na makilahok sa earthquake drill na isasagawa ngayong araw.

Dahil hinog na umano ang tinatawag na West Valley fault, inaasahang tatama sa Metro Manila ang 7.2 magnitude na lindol.

Sa Memorandum Circular no. 79 ni Pangu­long Aquino ay hiniling din nito sa taumbayan partikular sa Metro Manila na makiisa bilang paghahanda sa tinatawag na ‘The Big One’.

Inabisuhan naman ng Senado ang lahat ng secretariat, mga opis­yal, empleyado at mga consultants tungkol sa gagawing drill na magsisimula alas-10:30 ng umaga.

Limang minutong pa­tutunugin ang alarm system at fire truck sirens ng Senado bilang hudyat ng pagsisimula ng gagawing drill.

Pinapayuhan ang lahat ng nasa loob ng Senate building na obserbahan ang “duck cover and hold” habang naririnig ang alarm.

Isusunod ang evacuation ng lahat ng mga empleyado na nasa loob ng gusali ng Senado pagtigil ng alarm at sirena ng bumbero.

Ang bawat tanggapan ay dapat mag-assign ng point person na para sa accounting ng kanilang mga empleyado.

ACIRC

ANG

AQUINO

ATILDE

BIG ONE

DAHIL

HINIKAYAT

METRO MANILA

SA MEMORANDUM CIRCULAR

SENADO

WEST VALLEY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with