^

Bansa

Guingona kay Binay: Sayang

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nanghinayang si Senate Blue Ribbon Committee Chair Teofisto Guingona III sa hindi pagdalo ni Bise Presidente Jejomar Binay sa imbestigasyon ng senado sa kanya.

"Sa pagtanggi ng bise presidente sa imbitasyon ng mother committee, nasayang, sinayang niya ang mahalagang pagkakataon, pagkakataon para iparating sa mga kababayan natin ang panig niya," pahayag ng senador ayon sa ulat ng dzMM.

Sinabi ni Guingona na ito na sana ang pinakamagandang pagkakataon upang makapagpaliwanag at madepensahan ng bise presidente ang kanyang sarili laban sa mga akusasyong nangungurakot siya.

"Nakakalungkot dahil hindi din binigyan ni bise presidente ng pagkakataon ang publiko na marinig ang panig niya upang makabuo sila ng sarili nilang pananaw at konklusyon sa mga isyung ito."

Imbis na dumalo sa Senado ay nagtungo si Binay sa Cebu kung saan kabilang sa kanyang agenda ang pagbisita sa Toledo City.

Inabangan ang pagdating ni Binay ngayong Huwebes sa Senado ngunit bago pa magsimula ay nag-abiso na nag mga kaalyado niya na hindi siya darating.

vuukle comment

BINAY

BISE PRESIDENTE JEJOMAR BINAY

CEBU

GUINGONA

HUWEBES

SENADO

SENATE BLUE RIBBON COMMITTEE CHAIR

TEOFISTO GUINGONA

TOLEDO CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with