^

Bansa

Manila North Cemetery handa na sa Undas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tiniyak ni Manila North Cemetery Administrator Daniel Tan na handa na ang pamunuan ng sementeryo maging ang kanyang mga tauhan sa pagpapatupad ng mga regulasyon sa mga dadalaw ngayong November 1 at 2.

Ayon kay Tan, October 29 ang huling paglilibing, cremation at pagpapasok ng mga sasakyan sa loob ng sementeryo at wala ng papapasuking sasak­yan simula October 30 hanggang Nov. 2 upang maiwasan ang  masikip na daloy ng sasakyan.

Pinayuhan ni Tan ang mga dalaw na huwag nang magdala ng mga matatalas na gamit, nakalalasing na inumin at maiingay na radio dahil kukumpiskahin lamang ito sa gate pa lamang ng MNC.

Mas dapat umanong bigyan ng oras ang pagdarasal sa kaluluwa.

May mga nakaantabay ding security mula sa Manila Police District, Manila Traffic and Parking Bureau, City Security Force at maging sa Metropolitan Manila Development Authority

Sinabi ni Tan na oob­ligahin din nila ang lahat ng mga dadalaw at ma­ging ang mga magtitinda na maglagay ng sapat na basurahan upang maiwasan ang kalat at pagdudumi ng lugar.

Dalawang bagong CR din ng babae at lalaki ang  itinayo sa main avenue para sa mga dadalaw kaya hindi na magtatayo ng mga portalet sa loob. (Doris Borja)

 

vuukle comment

CITY SECURITY FORCE

DANIEL TAN

DORIS BORJA

MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

MANILA NORTH CEMETERY

MANILA POLICE DISTRICT

MANILA TRAFFIC AND PARKING BUREAU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with