^

Bansa

Pinas Ebola-free pa rin

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tiniyak ng Department of Health (DOH) na nananatiling Ebola-free ang bansa, pero hinihikayat pa rin ng ahensiya ang mga Filipino na nakararanas ng lagnat, sakit ng ulo, pang­hihina, joint at muscle pains at pangangati ng lalamunan na kusang  magpatingin at kumuha ng clearance mula sa mga local health authorities ng kanilang pinanggalingang bansa bago payagang makapasok ng Pilipinas upang maiwasan ang pagpasok ng Ebola virus.

Umaabot na sa 800 ang namatay sa mahigit 1,200 tinamaan ng sakit. 

Ayon kay DOH spokesman Dr. Lyndon Lee Suy, maituturing nang nakakaalarma ang halos 50-75 percent fatality rate para sa kahit anong sakit, kaya hindi maaaring ipagkibit-balikat ang Ebola na wala pang lunas.

Dahil dito, nakiki­pag­tulungan na ang DOH sa iba pang ahen­sya ng pamahalaan upang matiyak na walang makakalusot na virus carrier sa ating bansa.

Samantala, binabantayan na ng Bureau of Quarantine ang mga point of entry sa bansa sa banta ng Ebola.

Katulad ng pagbabantay sa Middle East Respiratory Syndrome-Corona Virus (MERS-CoV) ang ginagawang pag-monitor  ng DOH sa Ebola virus.

Bukod sa pagpapa­daan sa mga termal scanner, ibinalik na rin anya ang mga form kung saan itatala ng isang biyahero ang bansa o mga bansang pinuntahan at nadaanan sa paglalakbay.

Isang inter-agency meeting ang isinagawa ng Office of Migrant Workers ng Department of Foreign Affairs (DFA) noong Hunyo 30 upang mapag-usapan ang kalagayan ng mga OFWs sa Guinea, Sierra Leone at Liberia na dumaranas ngayon ng Ebola outbreak. 

Kasalukuyang nakikipag-ugnayan ang mga OFWs sa kani-kanilang mga recruitment agencies upang malaman kung madaling mahawaan ang mga ito ng virus.

Matatandaang inilagay na sa heightened alert ang bansa dahil sa banta ng Ebola virus na pumatay na ng mahigit 600 sa West Africa.

vuukle comment

BUREAU OF QUARANTINE

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DEPARTMENT OF HEALTH

DR. LYNDON LEE SUY

EBOLA

MIDDLE EAST RESPIRATORY SYNDROME-CORONA VIRUS

OFFICE OF MIGRANT WORKERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with