10 sa mahihirap na lalawigan nasa Mindanao
MANILA, Philippines - Sampu sa mahihirap na lalawigan sa bansa ay nasa MindaÂnao, sa pangunguna ng Lanao del Norte na mayroong 67.3 percent poverty inciÂdence rate.
Bukod sa Lanao del Norte, nasama rin ang Maguindanao, Zamboanga del Norte, Sarangani, North Cotabato, Bukidnon, Lanao del Norte, Camiguin, Sultan Kudarat at Sulu sa listahan ng 16 na mahihirap na lalawigan.
Talamak umano ang problema ng kahirapan sa Mindanao sa kabila ng maraming likas na yaman ng rehiyon, na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagagamit dahil sa kaguluhan doon.
Kumbinsido naman si Sen. Bam Aquino na magbabago ang sitwasyon ng Mindanao kapag naaprubahan na ang BangsaÂmoro political entity at ang ASEAN Integration sa 2015.
- Latest