^

Bansa

‘Hakot’ sa voters registration ok sa Comelec

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Walang nakikitang mali ang Commission on Elections kung magkakaroon man ng “hakot’ system para sa isinasagawang voters registration.

Ayon kay Comelec spokesman James Jimenez, makatutulong pa umano ang mga political parties at kakandidato sa pag-oorganisa sa mga registrants upang makapagparehistro sa mga local offices ng  Come­lec simula bukas hanggang Oktubre 2015.

Ipinagbabawal lamang nila umano ang â€˜hakot’ system sa panahon ng eleksiyon. Sa panahon ng registration mas maraming registrants mas makabubuti upang maka­boto.

Gayunman sinabi ni Jimenez na sinumang tutulong sa mga registrants na makapagparehistro ay dapat ding tulungan ang mga walang biometric. Nabatid na umaabot sa 9.6 milyon ang rehistrado subalit walang  biometrics.

Ipinaliwanag ng Co­melec na sinumang bo­tante na walang biome­trics ay hindi na pabobotohin sa May 2016 local at national elections.

Sa ilalim aniya ng Republic Act 10367 o ang Mandatory Biometrics Registration Act of 2013, ang sinumang botante na walang biometrics bago ang May 2016 elections ay aalisin na sa list of voters.

Tiwala rin si Jime­nez na hindi magkakaroon n flying voters ang gaganaping registrations  dahil sa Comelec’s Automated Fingerprint Identification System (AFIS).

Ang AFIS  ay ginaga­mit ng Comelec para i-cross-match ang biome­tric registrations ng isang botante at maiwasan ang double at multiple registrants.

AUTOMATED FINGERPRINT IDENTIFICATION SYSTEM

AYON

COMELEC

GAYUNMAN

JAMES JIMENEZ

MANDATORY BIOMETRICS REGISTRATION ACT

REPUBLIC ACT

SHY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with