^

Bansa

David Tan inaresto

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tuluyan nang inaresto ang hinihinalang rice smuggler na si David Tan ilang oras makaraang ito ay lumutang sa DOJ kahapon ng umaga.

Kinumpirma ni Justice Secretary Leila de Lima na si Tan alyas Davidson Bangayan ay inaresto sa bisa ng mandamyento de aresto na ipinalabas ng Caloocan Regional Trial Court nuong October 11, 2010.

Ang kaso ay may kinalaman sa diumano’y paglabag ni Tan sa Republic Act 7832 o Anti-Pilferage Law.

Nabatid na nakuha ng NBI ang kopya ng warrant of arrest nito lamang January 7, 2014.

Ayon kay de Lima, si Davidson Bangayan, o sinasabing David Tan, ay nagtungo sa DOJ alas-9:30 ng umaga kasama ang abogado.

Ang paglutang ni Ba­ngayan ay matapos na ihayag ni de Lima na siya at ang umano’y rice smuggler na si David Tan na natukoy sa Senate inquiry ay isang tao lamang.

Itinatanggi umano ni Bangayan ang akusasyon na siya ang David Tan at maging ang alegasyon na sangkot siya sa rice smuggling. Tiniyak din ni Bangayan na handa siyang makiisa sa anumang imbestigasyon sa isyu ng rice smuggling.

Si Bangayan ay una nang inilarawan ni de Lima na Chinese-Filipino, mula sa Davao at sangkot umano sa rice smuggling sa bansa at konektado sa mga opisyal ng Bureau of Customs at iba pang ahensiya ng gobyerno.

Una nang nakakalap ng mga dokumento ang NBI patungkol kay David Tan kabilang na ang kanyang tirahan at mga negosyo at ginamit na batayan upang kumpirnahin na siya at si Bangayan ay isang tao lamang.

Ngunit wala umanong middle name si Banga­yan at lalong hindi ginagamit ang Tan, kundi ang apel­yido ng kanyang ina.

vuukle comment

ANTI-PILFERAGE LAW

BANGAYAN

BUREAU OF CUSTOMS

CALOOCAN REGIONAL TRIAL COURT

DAVID TAN

DAVIDSON BANGAYAN

JUSTICE SECRETARY LEILA

REPUBLIC ACT

TAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with