'David Tan' dinakip ng NBI
Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - January 14, 2014 - 2:30pm

MANILA, Philippines – Matapos makipagkita kay Justice Secretary Leila de Lima, inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ngayong Martes si Davidson Bangayan ang umano’y nasa likod ng talamak na rice smuggling sa bansa.

Dinakip ng NBI si Bangayan dahil sa inilabas na warrant of arrest  ng Caloocan Regional Trial Court para sa kasong paglabag sa Republic Act 7832 o ang pagnanakaw ng kuryente.

Kaugnay na balita: Totoo si 'David Tan' - NBI

Maaaring magpiyansa si Bangayan habang dinidinig pa ang kaso, ngunit maaari ring makulong ng hanggang anim na taon kapag napatunayang may sala.

Kaninang umaga ay nakipagkita si Bangayan kay De Lima upang itanggi na siya ang “David Tan” na umano’y nasa likod ng rice smuggling.

Kaugnay na balita: Umano'y 'David Tan' nakipagkita kay De Lima

Inabisuhan ni De Lima si Bangayan na tumungo ng NBI upang pormal na maitanggi ang akusasyon laban sa kanya.

Sinabi ni Bangayan na handa siyang makipagtulungan sa mga awtoridad upang masugpo ang rice smuggling.

BANGAYAN CALOOCAN REGIONAL TRIAL COURT DAVID TAN DAVIDSON BANGAYAN DE LIMA DINAKIP JUSTICE SECRETARY LEILA KAUGNAY NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION REPUBLIC ACT
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with