^

Royal Forces pinasusuko na ni P-Noy

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - March 3, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Mismong si Pangulong Benigno Aquino III na ang nanawagan kahapon sa mga miyembro ng Royal Forces at taga-sunod ni Jamalul Kiram III na su­muko na sa mga awtoridad ng Malaysia upang maiwasan ang muling pagdanak ng dugo.

Sa ipinalabas na statement ng Malacañang, sinabi ng Pangulo na ha­ngarin ng gobyerno ng Pilipinas na maiwasan muli ang madugong engkuwentro.

“Sa ating mga mamamayan sa Lahad Datu, simula’t sapul hangarin namin na maiwasan ang pagkawala ng buhay at pagdanak ng dugo. Ngunit hindi kayo nakiisa sa layuning ito,” sabi ng Pangulo.

Mistulang sinisi rin ng Pangulo ang mga tagasunod ni Kiram na nagmatigas at mas piniling lumaban sa mga awtoridad ng Malaysia.

“Dahil sa paraang pinili ninyo, nangyari na ang iniiwasan,” anang Pangulo.

Ang nag-iisang ma­ka­tuwirang paraan na lamang umano sa nga­yon ay sumuko ang mga nagmamatigas na Royal Forces ng mga Kiram.

“Kung may hinaing kayo, mali ang paraan na pinili ninyo. Ang makatuwiran at kaisa-isang inyong dapat gawin ay sumuko na. Sa inyong may impluwensiya at may kakaya­hang makiusap sa kanila, pakiabot ang mensaheng ito: Sumuko na kayo ng walang kondisyon,” anang Pangulo.

Ayon naman kay Pre­sidential Communication Secretary Ricky Carandang, desidido ang mga Malaysian authority na ipagpatuloy ang kanilang operasyon laban sa mga Kiram na nagnanais ma­bawi ang Sabah.

Nilinaw ni Carandang na hindi inaabandona ng gobyerno ang paghahabol sa Sabah taliwas sa mga batikos sa gobyerno ng grupo nina Sultan Jamalul Kiram III.

Aniya, iginagalang nila ang opinyon ng mga nagsasabi na mistulang binitiwan na ng gobyerno ang claim sa Sabah dahil sa patuloy na paggigiit na pauwiin na sa bansa ang grupo ni Kiram.

 

COMMUNICATION SECRETARY RICKY CARANDANG JAMALUL KIRAM KIRAM LAHAD DATU PANGULO ROYAL FORCES SABAH SHY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with