P2.265-T nat'l budget pinirmahan na ni Noy
MANILA, Philippines – Nilagdaan na ni Pangulong Benigno Aquino III ngayong Biyernes ang P2.265-trilyon national budget para sa susunod na taon.
Tinanggal na sa 2014 budget ang kontrobersyal na Priority Development Assistance Funds (PDAF) ng mga mambabatas, kasunod nang umano’y maanomalyang paggamit nito.
Mas mababa ang nilagdaang pondo ni Aquino kumpara sa kanyang iminungkahi na P2.268 trilyon.
Bumaba ito matapos ipatanggal ng 15 senador ang kanilang PDAF na nagkakahalaga ng P200 milyon, maging ang social fund ni bise-presidente Jejomar Binay na P200 milyon din.
Nauna nang iniutos ni Aquino ang pagbabasura sa PDAF ilang araw matapos pumutok ang umano’y pang-aabuso ng ilang mambabatas sa pondo.
Sinabi na rin ng Korte Suprema na hindi naaayon sa saligang batas ang PDAF kaya naman iniutos nilang itigil na ang paglalabas ng naturang pondo.
- Latest
- Trending