^

Para Malibang

Mapapatawad mo ba si mister o misis kung mahuli mong may iba?

ANGAS NG BAE - Pang-masa

* Patawad agad? Hin­di ba puwedeng  patunayan muna niya na nagkamali siya at magsisisi na hindi na niya uli gagawin ang pagloloko! Hindi madaling magpatawad. Hindi ko rin alam kung maibabalik ko pa ang tiwala ko sa kanya kapag niloko ako ng mister ko. – Mhegan, Zambales

* Ewan ko pero tiyak na maghahalo  ang balat sa tinalupan. Hindi ko na siguro patatawarin pa.  Aba,  kung gusto niya yung babae niya eh ‘di mag­sama silang dalawa.  Wala nang second chance. Ang cheater is always a cheater.  Kung dun siya ma­ligaya, let go ‘di ba? Hindi ko na siya hahabulin pa. Pero bibigyan ko siya ng leksyon. Hindi ako pipirma sa divorce o annulment. Para sa anak ko pa rin mapunta ang pera niya noh. – Jess, Manila

*Yung nanay ko pinatawad niya ang tatay ko nung minsang mambabae. Pero ngayong matanda na sila ay wala na ang amor ng nanay ko sa tatay ko. Hanggang ngayon ay nagsusumbatan pa rin sila sa mga pagkakamali at kapalpakan nila sa buhay. Kalunos pero nagbabati at magkasama pa rin sila ngayon sa katandaan nila. – Margo, Dasmarinas, Cavite

* Naku nabuking ko na may kalandiang babae ang mister ko. Hayun mata lang ng mukha ng babae niya ang walang latay.  Talagang sinugod ko. Yung mister ko tiyak na magtatanda na rin na huwag siyang magpapahuli muli sa akin dahil pati sa opisina niya isinumbong ko sila para matututo ng mga bagay na puwede kong gawin. Maaaring hindi ko mapigilan ang asawa ko, pero sisirain ko ang buhay ng kerida niya na magwawasak ng pamilya namin. – Lusing, Cotabato

* Yung BF ko nabuking  ko na may ka-flirt sa text at sa FB, hindi ko na kinausap kahit anong paliwanag niya hindi ko na pinaking­gan. Kung ngayon pa lang ay nagagawa niyang mag­loko much more kung mag-asawa na kami. Kaya huwag na lang. – Shasha, Caloocan

* Kung maibabalik ko lang ang panahon, sana hindi ako nagpagbigla sa aking desisyon. Eh sana buo pa ang pamilya ko ngayon. At hindi rin nagbubuhay reyna ang kabit niya sa ngayon. – Nathalie,  Boracay

 

 

vuukle comment

MAPAPATAWAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with