^

Para Malibang

Dapat Bang May Joint Bank Account ang Mag-asawa?

EMOTE NG PABEBE - Pang-masa

* Oo naman bakit hindi. Kapag joint account lalo na kung may goal ang mag-asawa  na paggagamitan ng pera. Mas mabilis na makaipon ng pera kung may joint savings. Puwedeng 50% ng income papasok sa joint account. Tapos ang natitirang 50% ng pera mo ay sa iyong personal saving account. – Michelle, Caloocan

* Okey lang din na magkahiwalay ang savings, walang problema.  Para hindi ka na aasa pa sa asawa mo kung may gusto kang bibilhing gamit o items. Libre ka pang galawin ang pera mo. Samantalang kung may joint account pagtatalunan pa, kumpara sa may sarili kang savings. – Olive, Pasay

* Depende sa mag-asawa. Bakit ako lahat ng income ng mister ko ibinibigay niya sa akin kahit wala kaming joint account. Withdraw lang niya ang pera niya ‘pag nanghingi ko, pati allowance ng nanay ko. Tiwala lang ang kailangan sa isa’t isa, may sariling savings man, walang problema. – AA, Baguio

* Naku, mahirap din minsan ang joint account. Paano kung may kinakalolokohan ang mister mo. Yari ang pera mo ‘di ba kasi puwede rin niyang withdraw ang pera kahit wala ang pirma ni misis. Baka tangayin pa pati perang pinaghirapan mo. So, huwag na lang noh. Tutal naman ako pa rin ang beneficiary niya kung may mangyari man.

– Lielet, Sucat

* Kailangan din kasi for security reason at convenience para sa parehong parties. Mahirap na ‘di ba. Para ma-budget din ang pera para sa iba’t ibang allowance sa bahay, kotse, at ibang gastusin. For future rin para makapag-ipon pareho ang mag-asawa ng pe­rang makukuha in case of emergency. – Lorna, Zambales

JOINT BANK ACCOUNT

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with