^

Para Malibang

Iwasan ang selos

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

May malaki po akong problema sa mister ko. Two years na po kaming kasal at may isang anak kami. Buntis po ako ngayon sa pangalawa. Tingin ko po kasi may kinahuhumalingan siyang ibang babae na kapitbahay pa namin. Dati na nyang nakarelasyon ito bago pa kami. Makailang ulit ko na siyang pinagbawalan na huwag makikipag-usap at makikipagkaibigan sa babaeng yun pero sinusuway niya po ako. May asawa na rin po yung babae. Sobrang nagagalit po ako sa kanya sa tuwing nakikita kong nakikipag-usap siya sa babaeng ito tuwing nag-iigib ng tubig. Hindi naman po sa nagseselos ako kaya lang naiisip ko po na baka muling marevive ang kanilang dating relasyon. Sa galit ko ay nilayasan ko siya at bumalik ako sa ­aking magulang. Naguguluhan ako at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. - Maia

Dear Maia,

Aminin mo man o hindi, inaatake ka ng selos. Kapitbahay ninyo ang babae, natural lang na paminsan-minsan ay magkita sila lalu na sa isang publikong lugar tulad ng igiban ng tubig. Maliban na lang kung sobrang magkadikit sila sa kanilang pag-uusap, hindi ka dapat magselos. Masama naman sa magkapitbahay ang nag-iisnaban. Isa pa, may asawa na ang babae at kung nag-uusap man sila ay casual na lang at hindi dahil gusto nilang balikan ang nakaraan. Lawakan mo ang iyong pang-unawa lalo na’t buntis ka. Masama sa kalagayan mo ang masyadong nag-iisip. Kaya mabuti pa ay balikan mo na ang iyong mister para muling mabuo ang iyong pamilya.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

ACIRC

AKO

AMININ

ANG

BUNTIS

DATI

DEAR MAIA

DEAR VANEZZA

ISA

MASAMA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with