^

Para Malibang

Ang tingin ba’y sign na gusto niya ako?

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

May lihim po akong gusto sa isang lalaki na hindi ko naman alam kung may gusto rin sa akin. Pero nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin kapag nasasalubong ko. Itatanong ko lang po kung ang mga tingin ba niya sa akin ay palatandaan na lihim din niya akong gusto? Mahal niya kaya ako kaya niya ako tinitingnan? Magiging kami kaya? Salamat po sa payo. - Krissy

Dear Krissy,

Huwag mo munang bigyan ng malisya o kahulugan ang mga tingin niya. Hindi puwedeng pagbasehan ang mga tingin lang para sabihing mahal ka na agad ng lalaki. Sa kinikilos mo, para mo na rin ipinapaalam na gusto mo siya. Hayaan mo siyang magkusa na ligawan ka. Kung gusto ka niya, siya ang gagawa ng paraan para magkalapit kayo.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

DEAR KRISSY

DEAR VANEZZA

HAYAAN

HUWAG

ITATANONG

KRISSY

MAGIGING

NIYA

PERO

STRONG

SUMASAIYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with