^

Para Malibang

Island of the undead (74)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

GIGIL na gigil si Miley, kung sa sariling mga tauhan ay kaylupit ni Reyna Coreana, paano na sa kanila?

Naluluhang kinausap ang boyfriend na taong aso na. “Blizzard, I promise you, mananalo pa rin tayo. Kahit patung-patong na ang mga problema natin, in the end tayo pa rin ang magwawagi. Kasi tayo  ang mabuti, ang reynang ‘yan ang masama. At magpapakasal tayo after we graduated in college, na taong-tao ka na. Hindi ka ganyan.”

“Aww-awwwwww.” Parang panaghoy ang tahol ni Blizzard, umiiyak din yata.

Niyakap ito ni Miley, hinalikan sa dalawang pisngi, sa noo, pati sa lips, sandali lang naman.

“See, my love? Hindi ako nandidiri sa iyo. Kasi ang cute-cute mo naman.” Nakangiti na kahit paano si Miley.

Ang taong aso naman ay naglambing, isiniksik pa ang ulo sa leeg ni Miley. Ang sweet ng dalawa. Kahit may nangyari kay Blizzard na hindi maganda, hindi ito nakaapekto sa love nila sa isa’t isa.

Pati si Doktor Larry ay humanga sa dalawang kabataan. Inakbayan din niya si Joanne dahil nainggit siya sa sweetness nina Miley at Blizzard.

“Mahal, I love you so much. At pangako ko rin sa ‘yo na babalik tayo sa ating mga anak at magiging masayang-masaya na naman tayo. Sana lang, magbalik ka na sa dati. Hindi ganito na palagi kang tulala. But I know that we just need time para maging normal ka uli. Hindi pa kasi lubusang nagsi-circulate ang dugo mo sa buo mong katawan. Kaya ka ganyan. But soon ... soon, mahal.”

At hinalikan din  sandali ng doctor ang doktorang asawang nabuhay nga niya pero tulala naman.

Pero himalang ang saglit na halik na ‘yon ay parang nakadagdag sa kamalayan ni Doktora Joanne.

“Larry?” At yumakap ito sa asawa.

“Nakikilala mo na ako, Hon? Thank God!” At niyakap din nang mahigpit ng manggagamot ang asawa.

Nainggit ang reynang kamukha na ni Miley. Selos na selos. Wala kasi siyang “the one”.

Maganda na nga siya pero napakalungkot dahil walang minamahal at walang nagmamahal.

“Ang ku-corny n’yo! Huwag unahin ang roma-romansang ‘yan! Gawin n’yo na ang bahay ko! At ang gusto ko ay sementadong bungalow na napakaganda! Wala akong pakialam kahit mamatay kayo sa hirap, basta gawin n’yo  dahil kung hindi kayo ang papatayin ko!”

Itutuloy

vuukle comment

ACIRC

ANG

BUT I

DOKTOR LARRY

DOKTORA JOANNE

HINDI

KAHIT

KASI

MILEY

REYNA COREANA

THANK GOD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with