^

Para Malibang

The ghost of ‘Padre Tililing’ (63)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

NASA bingit ng kamatayan si Simon sa ospital, 50-50 ang tsansang mabuhay.

“Kung mabubuhay man ay magiging paralisado mula leeg hanggang paa,” pahayag ng surgeon. “Milagro na lang ang magre-reverse sa kanyang kalagayan, misis. I’m really sorry.”

At ito ang hindi matanggap niMiranda. Mula ng ibigin din niya si Simon at magpaanak dito, hindi na niya ma-imagine na ito’y mawawala sa mundo.

“Carlo, dumalangin na ako nang taimtim kay Lord gaya ng sabi mo...pero bakit naman binigyan Niya ng napakabigat na sitwasyon ang mister ko?” tanong niya sa katabing multo.

May handang sagot si ‘Padre Tililing’ osi Carlo. “Miranda, narinig mo ba ang sabi ng surgeon? Mababago raw ang lagay ni Simon kung magkaka-milagro. At tunay namang may mumunting milagro pang nagaganap sa kasalukuyan nating panahon.”

“Hu-hu-huuu. Sana nga’y magkaroon ng milagro, Carlo. Si Simon ang matatag kong sandalan. He is my Rock of Baltazar.”

 “Eherm...Miranda,Rock of Gibraltar—hindi Baltazar,” pagtutuwid ng multo ng ‘padre’.

“Diyos ko, pagkalooban Mo po ng milagroang mister ko! Buhayin Mo po si Simon ko at gawin Mo po siyang normal uli! Please, please po!”

 Genuine ang mga luha ni Miranda, nanggaga­ling sa nagmamahal na puso; hindi luha ng walang patawad na mga buwaya sa pamahalaan—the ‘tonggressmen’, the ‘kickbackers’.

 Nagdarasal din nang todo si ‘Padre Tililing’. “Oh my Lord and my God, iligtas Mo po si Simon. Pagkalooban Mo po siyang muli ng normal na katawan...”

 Sa Intensive Care Unit o ICU,umungol si Simon. “Uuunn.”

Nataranta ang hospital staff sa sumunod nitong ginawa.Biglang tumayo sa ibabaw ng kama si Simon! (ITUTULOY)

 

vuukle comment

BUHAYIN MO

MIRANDA

PADRE TILILING

PAGKALOOBAN MO

ROCK OF BALTAZAR

ROCK OF GIBRALTAR

SA INTENSIVE CARE UNIT

SI SIMON

SIMON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with