^

Para Malibang

Isang milyong pisong kilabot (28)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

IBINIBITIN nga ng wirdong milyonayong si Caluycoy ang ‘sentensiya’ kina Paula at Socrates.

“At ang pasya ko kung maniniwala o hindi sa kuwento ninyong mag-asawang ulul...ay...ay...”

“Utang na loob po, maniwala kayo sa amin,” pakiusap ni Paula. Lalo namang nang-inis si Caluycoy. Ngising-aso lalo. “Ang pasya ko ay...ay...ay...ay...” Ibinitin na naman. “Commercial break muna tayo, mga kaibigan, he-he.”

Si Socrates na gaya ni Paula ay nakagapos sa harap ng milyonaro ay galit na galit na.

Kung puwede lang ay patayin na ang milyonaryo.

“Galit ka ba, Socrates?” tanong ng milyonaryo.

“Socrates, sabihin mong hindi ka galit, please,” pakiusap ni Paula.

Pinilit ng mister ang sarili na payapain ang mukha, “H-hindi po ako galit, bossing, sir.”

“Ngiti,” utos ni Caluycoy.

Pilit ngumiti ni Socrates. “Heto po, n-nakangiti na po.”

“Am’ pangit mo, bro, hindi ka bagay dito kay Paula my love.”

Hinagod ng milyonaryo ang buhok ni Paula; umiwas agad ang misis.

“Anyway, tuloy tayo sa commercial. Alam n’yo ba, mga misis, mga mister, na ang naimbento kong pantanggal sa kati ng buhok ay napakabisa?”

Pinaparusahan sila ng Langit, pakiramdam nina Paula at Socrates.

Kailan ba kukunin ni Lord ang milyonaryong ito, tanong nila sa sarili; sa loob-loob lamang. 

“Opo, mga mister, mga misis, isang pahid lang ng imbensyon ko sa buhok na kumakati-- tanggal agad ang buhok! Ha-ha-ha!”

No reaction ang mag-asawa.

Napikon si Caluycoy. “Mga ulul kayo, joke ‘yon! Tawa! Tawa!”

Sunod agad  sina Paula.“Ha-ha-ha!Ha-ha-ha!”

Bumuntunghininga ang milyonaryo. “At ang pasya ko ay...ay...ay...”

Nag-pause muna ng ilang segundo si Caluycoy

Saka tuluyan nang nagbigay ng pasya. “Ang pasya ko ay...hindi ako naniniwala sa kuwento n’yo!”  (TATAPUSIN)

vuukle comment

ALAM

BUMUNTUNGHININGA

CALUYCOY

GALIT

HETO

HINAGOD

IBINITIN

PAULA

SI SOCRATES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with