^

Para Malibang

Isang milyong Pisong kilabot (7)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

ALAS-SAIS ng gabi ang simula ng pagtigil nina Socrates at Paula sa lumang mental asylum. Kakalabanin ng mahirap na mag-asawa ang takot sa mga multo doon.

:”Kailangang manalo tayo, Socrates, ipangako mo.” “Paula, titiyakin ko ang ating panalo. Hindi ako papayag na mabigo. Napakalaking grasya sa ‘tin ang premyong Isang Milyong Piso…”

“Ako, hindi ako matatakot sa anumang multo. Ang iisipin ko ay sina Dedet at Marky, ang kinabukasan nila.” Inihabilin muna nila sa isang kapitbahay ang dalawang musmos na anak; wala nang atrasan ang pagpasok nila sa minumultong asylum.

Sa di-kalayuan sa asylum, nakabantay ang ambulansiya at ang mga tagapamahala ng contest.

Ang alam ni Paula,  mino-monitor ni Emil Caluycoy alyas Boss ang bawat galaw nila—mula sa labas hanggang sa loob ng property nito. Dama ni Paula ang tindi ng pag-ibig sa kanya ng binigong manliligaw.

“Nagi-guilty ako sa paglilihim kay Socrates tungkol sa mahalay na proposal ni Emil, na sinang-ayunan ko naman,” sabi ni Paula sa isip, sa loob-loob lamang. “Pero hindi matutuloy ang pagsali namin kung di ako papayag sa gusto ni Emil…Nais ko lang namang manalo kami ni Socrates ng Isang Milyon.” Inulit ng contest supervisor sa mag-asawa ang mga rules. “Kayo ay mananatili sa asylum nang 24 hours. Kapag nakatagal kayo sa loob sa kabuuan ng naturang oras, kayo ay mananalo ng Isang Milyong cash. Idedeklarang talo ang mga multo.”  “Pati si Emil Caluycoy ay matatalo,” sa loob-loob ni Paula. “Hindi niya maaangkin ang aking pagkababae.”

“Pero kapag ka­yong dalawa, Paula at Socrates, ay lumabas sa asylum nang kulang sa oras, kahit pa ilang minuto na lamang, kayo ay idedeklarang talo.

Ang panalo ay ang mga multo ng asylum,” pahayag ng supervisor.

`“Sandali lang,” sabi ni Socrates, “nasaan na ‘yung owner na kausap namin—‘yung tinatawag na Boss?” “Nasa isang sik­retong lugar si Boss, Sir Socrates, pinapanood ang kabuuan nitong One-Million Peso challenge niya,” matapat namang sagot ng supervisor. “Huwag kayong mag-alala, parehas siya sa lahat.”

Tutol si Paula, alam na hindi ‘parehas’ ang Boss. (ITUTULOY)

 

               

  

               

               

             

vuukle comment

EMIL

EMIL CALUYCOY

ISANG MILYON

ISANG MILYONG

ISANG MILYONG PISO

ONE-MILLION PESO

PAULA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with