^

Para Malibang

Namamangka sa dalawang ilog

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Problema ko po ang bf ko ngayon at ang ex ko. Walang closure ang relasyon namin ng ex ko dahil simula nang lumipat sila ng tirahan ay hindi na kami nagkita. Nakilala at niligawan naman ako ng bf ko ngayon. Noong una, awa lang ang dahilan kaya sinagot ko siya. Pero nang makilala ko siya ng lubos at ang kanyang pamilya, napamahal siya sa akin. Pero bumalik ang ex ko at lihim kaming nagbalikan. Plano niyang magpaka­sal na kami 2 years from now. Ngayon hindi ko na kayang mawala sino man sa kanila. Naguguluhan po ako. - Yzel

Dear Yzel,

Isa lang ang piliin mo. Sino sa kanila ang may mas mabuting ugali na inaakala mong magiging res­ponsable at ulirang asawa at ama pagdating ng araw. Gumawa ka ng sukatan. Ang panlabas na anyo ay kumukupas pagdating ng araw ngunit ang mabuting ugali ay pangmatagalan. Siyempre kapag nakipag-break ka sa isa ay masasaktan ang isa. Pero kailangan mong gawin ito habang maaga. Manalangin ka na gabayan ka ng Diyos upang mapili ang karapatdapat.

vuukle comment

DEAR VANEZZA

DEAR YZEL

DIYOS

GUMAWA

ISA

MANALANGIN

NAGUGULUHAN

NAKILALA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with