^

Para Malibang

Panlaban sa ‘virus’

Pang-masa

Dahil sa paiba-iba na ang panahon na nararanasan natin, hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng trangkaso, sipon o anumang virus. Kaya naman dapat na mapanatili mong malakas ang immune system ng iyong katawan sa pamamagitan ng tamang pagkain. Narito ang ilang uri ng pagkain para hindi ka agad kapitan ng trangkaso:

Paminta – Bagama’t ito ay maituturing na sangkap lamang sa pagkain. Mahalaga pa rin na mayroon ka nito sa katawan. Nagtataglay ang paminta ng “piperine” kaya ito nagiging maanghang. Bukod dito, itinuturing din itong anti-infammatory at anti-fever properties.

Cinnamon – Lagyan ng cinnamon ang iyong oatmeal at hiniwang mansanas para sa iyong meryenda. Tumutulong ang pagkaing ito para maalis ang anumang virus. Ang cinnamon ay may taglay na “terpenoids”  na may malakas na antiviral properties.

Citrus Fruits – Magpatak ng lemon juice sa iyong tea o orange sa oras na ikaw ay nakakaramdam na kakapitan ng trangkaso. Malaki ang maitutulong nito para palakasin ang iyong katawan. Sa pag-inom nito ay gaganda ang iyong pakiramdam.

Low-fat-Yogurt – Ayon sa pag-aaral, ang yogurt ay may mataas na vitamin D kaya dapat lang na kumain nito lalo na kung mababa ang bitaminang ito sa iyong katawan. Ang mga taong mababa ang vitamin D ay madaling kapitan ng trangkaso.

Avocado – Maraming taglay na bitamina ang prutas na ito gaya ng A,D,E at K. Ang mga bitaminang ito ay importante sa pagpapalakas ng immune system.

 

vuukle comment

AYON

BAGAMA

BUKOD

CITRUS FRUITS

IYONG

KAYA

LAGYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with