^

Para Malibang

‘Butas na lupa’ (20)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

NAHULAAN na nina Jake at Monica ang hahantungan ng mga taga-munisipyong tangay ng mahiwagang hangin—pabalik sa pampang.

“Jake…hinihigop ba sila ng…?”

“Yes, Monica, sila ay hinihigop ng…sinkhole.”

Nagsigawan ang mga taga-isla. “Pabagsak sila sa butas na lupa!”

“Sila naman ang gustong kunin ng butas!”

“Nakarma sila! Nakarma ang mga walang silbi!”

“Aaaahhh! Aaahhh!” sigaw ng mga taga-munisipyo, nakikita ang kanilang babagsakan.

WHOMP. Shoot sa butas na lupa o sinkhole ang kinatawan ng mayor at ang tatlong pulis. Tila nilulon ng super-higanteng anaconda.

Parang itinulos sa kinatatayuan ang mga nakasaksi.

Si Monica na dapat sanay na ay napaduwal. “Gahaak—gaak.”

“Monica, are you okay?”

“No, Jake, I’m not okay,” luhaang sagot ng dalaga. “Wala nang saysay ang pagpatay ng sinkhole! Nakapanlulumo na!  Dapat nang matapos! Dapat nang mapahinto!”

Galit si Monica, mabilis na naglakad… palapit sa sinkhole.

“Monica?  Ano’ng…?”

“Jake, tutuklasin ko ang lihim ng sinkhole.”

“H-ha?! Nababaliw ka ba? Mamamatay ka do’n!”

“May mga bagay na worth dying for, Jake. Ibalita mo sa mundo na ako’y tumalon sa sinkhole—para alamin ang katotohanan…”

“Oh my God, Monica, don’t do this to me!”

“Paalam, Jake!”

Tumalon si Monica sa butas na lupa. Parang swimmer na nag-dive sa misteryosong swimming pool.

“Monicaaa!” hanggang sigaw lang ang nagawa ni Jake.

At hagulhol. “Hu-hu-hu-huu. Monica…”

Napapailing ang mga taga-isla, hinayang na hinayang  kay Monica.

“Bakit mo pinayagan, bro? Anong klaseng nobyo ka?”

Sising-sisi si Jake. Dapat, sapilitan niyang pinigil si Monica. ITUTULOY

 

 

 

 

 

 

 

 

               

             

vuukle comment

AAAAHHH

AAAHHH

BRVBAR

DAPAT

JAKE

MONICA

NAKARMA

SI MONICA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with