^

Pang Movies

Darren, naging hari ng paasa!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Darren, naging hari ng paasa!
Darren Espanto

Tinawag ng netizens na chickboy si Darren Espanto dahil inamin na na­ging girlfriend niya si Kyline Alcantara at naging GF din niya si Jayda Avanzado. Sure ang fans na may lalabas pang naging GF si Darren dahil ngayon, “single” raw ang status niya.

Comment ng isang fan, “Ano Darren! Hari ka pala ng paasa! Ngayon didikit ka pa kay Jillian! Nakopo! Magaganda pa ang pinaasa mo! Akala mo kung sino kang guwapo?! Hoy gising! Wag si Jillian!”

Dahil ito sa tinukso ni Vice Ganda sina Darren at Jillian Ward nang mag-guest ang Kapuso actress sa It’s Showtime at nagkapareha pa sila sa KaraoKids segment ng show.

In fairness, si Darren ang umamin at hindi ang mga ex niya at si Jayda nga, nagulat sa inamin ni Darren.

Wala pang reaction si Kyline tungkol sa kanila at hindi pa rin nahingian ng reaction ang ex ni Kyline na si Mavy Legaspi.

Michelle, inis na agad kay Oliver!

Ang mean ng ibang netizen kay Atty. Oliver Moeller dahil sa balitang pag-a-unfollow sa kanya ni Michelle Dee sa Instagram.

Hindi raw nag-klik ang dalawa na naka-first date pa lang pagkatapos ng It’s Showtime, kaya agad siyang in-unfollow ni Michelle.

Kasi raw, sa mga sagot ni Oliver, parang mas feel nito si Kim Chiu kesa kay Michelle and after nga ng IS, sila ang mas pinag-usapan na dapat, sila ni Michelle. May mga nag-akusa pa sa kanya na gagamitin lang ang mga ito sa pagpasok niya sa showbiz at naamoy raw agad ito ni Michelle.

May nag-akusa pa sa kanya na clout chaser at apologist at nalaman daw ni Michelle na DDS ito o maka-Rodrigo Duterte. Parang gustong palabasin na Kakampink si Michelle, kaya in-unfollow ito.

Ang ikina-turn off pa ng fans ay ang naging sagot nang tanungin kung nanliligaw ba siya kay Kim. Hindi raw fair na pag-usapan ang tungkol doon na walang permiso ni Kim.

Wala namang masama sa sagot niya at baka nga kailangan ang permiso ni Kim bago niya sagutin.

Ang wish ng fans ni Kim, kung manliligaw man ito sa kanya, ‘wag na raw i-entertain at baka nga gamitin lang siya. Mag-stick na lang daw siya kay Paulo Avelino, mas masaya pa ang KimPau fans.

Ruru, Bianca at Miguel, nagka-awkwardan

Pinost ni Ruru Madrid ang announcement na nakakuha o nabigyan ng Bronze Medal ang Black Rider sa 2024 New York Festivals TV & Film Awards sa Drama category. Sabi ni Ruru, “This recognition is dedicated to all the unsung heroes and Filipinos facing life changes. We share this New York Festival medal with you. Many thanks to the judges, Kapuso, and entire nation for believing that we can all be heroes like Black Rider.

Ang ganda na kasama sa pagko-congratulate sa kanya ay ang paalala na manatiling sa lupa ang kanyang mga paa. Ang ibig sabihin, ‘wag siyang magbabago at lalong ‘wag yayabang. In fairness to him, para namang hindi na siya yayabang. Inamin kasi nito na there was a time na yumabang siya, mabuti at may nagpaalala na nagbabago ang kanyang ugali.

And speaking of Ruru, nag-guest sila ni Bianca Umali sa season 2 ng Running Man Philippines, paano kaya ang naging interaction nila kay Miguel Tanfelix na ex ni Bianca?

vuukle comment

DARREN ESPANTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with