^

Pang Movies

Kathryn, naka-move on na

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Kathryn, naka-move on na
Kathryn Bernardo.
STAR/ File

Alam mo, Salve A., marami ang kinikilig ngayon sa constant ng pagsasama sa ilang okasyon  ng 2019 movie na Hello, Love, Goodbye lead stars na sina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Mukhang mabilis na naka-move on ang Kapamilya star sa breakup nila ng kanyang ex-boyfriend (of 11 years) na si Daniel Padilla dahil napapalibutan siya ng mga taong tunay na nagmamahal sa kanya including her family, close friends at fans.

Kapansin-pansin din ang pagiging extra close ngayon ni Kathryn sa Kapuso actor na si Alden na present din sa housewarming party ng bagong ipinatayong mala-mansion na bahay ng actress for her family in Antipolo City last Thrusday, April 11.

Ngayong natupad na ang pagpapatayo niya ng dreamhouse for her and her family, Kathryn is expected to be busier  in the coming days dahil malapit na rin niyang simulant ang kanyang reunion TV series with her Mara Clara co-star na si Julia Montes at ang inaasahang balik-tambalan nila ni Alden sa pelikula na nakatakda umanong ilahok sa darating na Metro Manila Film Festival.

Kung inaabangan ng marami ang reunion movie nina Kathryn at Alden, inaabangan din ng lahat kung mauuwi sa espesyal na relasyon ang pagkakaibigan nila ni Alden.

Michelle at Oliver, hinihintay kung magkaka-future

Nagkakatawagan or nagpapalitan na kaya ng text messages ang Kapuso actress at 2023 Miss Universe Philippines na si Michelle Dee at ang guwapong Filipino-German lawyer na si Atty. Oliver Moeller matapos magkita ang dalawa sa EXpecially for You segment ng noontime program na It’s Showtime nung April 6 na siyang unang airing ng programa on GMA?  Part of the prize na makukuha ng young lawyer na Piolo Pascual look-alike ay ang maka-date ang Kapuso actress at beauty queen.

Curious ang mga manonood ng It’s Showtime kung ano na ang bagong development sa dalawa matapos nitong mapili si Oliver base lamang sa mga sagot nito nang hindi niya nakikita,  at ng dalawa pang searchees na kanyang pinagpilian.

Natuloy na kaya ang date ng dalawa?

Hoping ang mga viewers ng It’s Showtime na hindi lamang special date ang mangyari sa dalawa kundi mauwi pa ito sa hindi inaasahang espesyal na pagkakaibigan sa kanilang pagitan dahil bagay sila.

Ina-assume ng viewers na walang girlfriend si Oliver kaya posible nitong ligawan ang dalaga ng 1979 Miss International at US-based actress na si Melanie Marquez.

vuukle comment

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with