^

Pang Movies

Pinay superstar sa Japan, wish makapag-concert sa ‘Pinas

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Alam mo, Salve A., nagiging favorite destination ng Filipino celebrities ang Japan dahil bukod sa malapit lamang nito (four hours by plane), sobrang ganda ng weather ngayon doon, magagandang tanawin bukod pa sa masasarap na pagkain, pagiging honest, polite, at malinis ng mga Hapon.

Nitong nakaraang Holy Week ay maraming showbiz personalities ang dumayo sa Japan at kasama na rito ang mag-asawang Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo (na nakatabi namin sa check-in counter), ang celebrity couple na sina Luis Manzano and Jessy Mendiola with their lovely one-year-old daughter na si Rosie or Baby Peanut, ang mag-asawang Carmina Villarroel at Zoren Legaspi kasama ang kanilang twins na sina Mavy and Cassy, Direk Joey Javier Reyes, Rei Anicoche-Tan of Beautederm, at marami pang iba.

While in Japan ay nagkaroon kami ng pagkakataon na muling makadaupang palad ang nag-iisang Filipina singer-performer na naging superstar sa Japan nung dekada otsenta na si Marlene de la Pena (Lim) over sumptuous Spanish dinner at Spain Club Restaurant in Tokyo last Monday night.

In fairness kay Marlene na kaibigan na namin nung nagsisimula pa lamang siya sa showbiz nung dekada sitenta when she was in her teens, she would always find time to see us whenever she’s in Tokyo at libre ang kanyang schedule. Napaka-grounded pa rin niya hanggang ngayon na maituturing na ring institusyon sa Japan.

Matapos mahiwalay sa sumakabilang-buhay na ring American husband niyang si James Schiever with whom she has two grown-up kids, she is now in a relationship with a Japanese dentist who was formerly based in Los Angeles, California, USA for 30 years and 10 years in China na si Bryan.

We’ver met Bryan na isang mabait at Westernized Japanese guy.

Samantala, pangarap pa rin ni Marlene na makasama ang mga popular Filipino singers-performers in the Philippine concert arena na never pa umano niya nagawa.

Mark, ‘di tinago kay tanya ang anak sa Koreana

Marami ang hindi nakakaalam na may 19-year-old daughter ang actor at government official na si Mark Lapid sa isang Korean national at ito’y bago pa sila naging mag-asawa ng actress na si Tanya Garcia.

In fairness naman kay Mark, ipinagtapat niya ito kay Tanya kaya hindi ito naging issue sa actress at pinuri niya ang pagiging honest ng kanyang mister.

vuukle comment

JAPAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with