^

Pang Movies

Max, ayaw pang makipagrelasyon ulit

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Max, ayaw pang makipagrelasyon ulit
Max Collins
STAR/File

MANILA, Philippines — Matapos aminin noong nakaraang taon na hiwalay na sila ni Pancho Magno, in love na kaya ngayon si Max Collins?

Mabilis na sagot ni Max ay “No” pero may mga nagpaparamdam daw sa kanya na boys at panay tanggi raw nito na makipag-date.

In fact, ‘yung huling guy na tinanong siya kung libre ba itong makipag-date, sinagot ito ni Max ng “Hindi.”

Rason ni Max kung bakit tine-turn down niya ang makipag-date, sagot nito na mas gusto raw niyang unahin ang sarili niyang kaligayahan.

“I finally learned that I should love myself first,” pag-amin ni Max na wala pa raw siya sa stage na gusto niyang makipagrelasyon ulit.

Kasama siya sa cast ng My Guardian Alien na bida sina Gabby Concepcion at Marian Rivera.

Kim, game makatambal si Ruru!

Ayon kay Kim Chiu, panahon na para subukan niya at maranasan ang mga bagong katrabaho.

Natanong nga si Kim kung sino sa mga Kapuso star ang gusto niyang maka-collab at nabanggit niya sina Marian Rivera, Barbie Forteza, Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, at si Black Rider leading man Ruru Madrid.

Tulad ng ibang host ng naturang noontime show, masaya at excited din siya sa kanilang bagong tahanan sa GMA matapos ang contract signing at magsimula na sila sa April 6.

vuukle comment

MAX COLLINS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with