^

Pang Movies

Lovi, dedma muna sa career sa Ph

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa
Lovi, dedma muna sa career sa Ph
Lovi

Mabigat din sa loob ng singer-actress na si Lovi Poe na talikuran ang kanyang showbiz career sa Pilipinas pero ngayong may-asawa na siya, ang L.A.- based British film producer na si Monty Blencowe, kailangan niyang mag-adjust.

Hindi lamang isang filmmaker ang husband niya na si Monty kundi isa rin itong scientist na mas pinaboran ang kanyang buhay sa Hollywood bilang producer.

Kung dedma muna sa career niya sa bansa si Lovi, tinupad naman nito ang kanyang Hollywood dreams dahil matapos niyang gawin ang isang American indie movie, ang Badman, kung saan niya nakatambal si Seann William Scott ng American Pie movie, may sisimulan ulit siyang Hollywood movie with Canadian actor na si Adam Beach na pamamahalaan ng Prison Break at Marvel’s Angels S.H.I.E.L.D director na si Gary Brown.

Ang pelikula ay base sa isang true-to-life story ng isang fire captain na si Paul Fullerton.  Si Adam ang gaganap sa title role habang si Lovi naman ang magiging wife ni Adam in the movie.

Madali ang pagpasok niya sa Hollywood dahil bukod sa kanyang pagiging mahusay na actress, may connection din ang kanyang mister na si Monty.

Angelica at John, pinag-bondingang mga anak

Bukod sa singer-actor na si Sam Milby, best friend din ang actor, director at entrepreneur na si John Prats ang Kapamilya actress na si Angelica Panganiban.  Just recently, nagkaroon ng pagkakataon sina John at Angelica with their respective partners na sina Isabel Oli at Gregg Homan pati na ang kanilang mga anak na makapag-bonding.

Si John ay may tatlo nang anak sa kanyang wife, ang actress na si Isabel Oli na sina Feather, Freedom at Forest habang may more than one-year-old daughter naman ang mag-asawang Angelica at Gregg na si Amila Sabine na may palayaw na Bean.

First time na nagkasama-sama ang mga anak nina John at Isabel at Angelica at Gregg kaya super enjoy ang mga bata.

Mayor Vico, hinahanapan na nina Bossing at Coney ng babae

Ang veteran actress at dating host na si Coney Reyes ay hindi na nag-asawang muli matapos ma-annul ang kanyang kasal sa una niyang mister, ang namayapang basketball player na si Larry Mumar kung kanino siya may dalawang anak – sina L.A. at Carla.

Nagkaroon man siya ng anak sa veteran host, actor-comedian at producer na si Vic Sotto, si Pasig City Mayor Vico Sotto, hindi ito nauwi sa pagpapakasal ng dalawa dahil nagkahiwalay rin sila. Pero nanatiling magkaibigan ang dalawa hanggang ngayon kahit may ibang pamilya na si Bossing (Vic Sotto).

Tulad ni Vic, gusto na rin niya na magkaroon na ng girlfriend si Mayor Vico at bumuo na rin ito ng sarili niyang pamilya pero siyempre, hindi sila ang masusunod kundi si Vico na rin mismo.

Proud pareho sina Bossing at Coney sa kanilang anak na si Vico who’s doing good bilang ama ng Pasig.

Vice, naka-advance ng regalo

Ang recent contract signing sa pagitan ng ABS-CBN at GMA big bosses na may kinalaman sa airing ng It’s Showtime on GMA simula ngayong April 6, 2024 ang maituturing na advance birthday gift ni Vice Ganda na siyang pangunahing host ng It’s Showtime noontime show na nagpalipat-lipat na rin ng tahanan magmula nang mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN nung May 5, 2020. Pero simula sa April 6 ay mas maraming televiewers ang makakapanood sa long-running and top-rating noontime program ng ABS-CBN na walang mag-aakala na ito’y mapapanood sa dati nilang rival station ang GMA na naging tahanan ng Eat Bulaga nina Tito, Vic & Joey at Dabarkads ng dating Eat Bulaga ng TAPE, Inc. maraming taon.

vuukle comment

LOVI POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with