Yasser, ang daming naramdaman kay Claudine
Sobrang na-starstruck si Yasser Marta noong makasama niya si Claudine Barretto sa maraming eksena sa GMA-Regal Entertainment teleserye na Lovers/Liars.
Di raw naiwasang matulala ng Sparkle hunk lalo na’t pinaghahandaan pa niya ang magiging intimate scenes nila ni Claudine.
“Actually ang dami kong nararamdaman. Kinakabahan ako, pinapawisan ang kili-kili ko, ‘yung mga kamay ko, tapos kinikilig ako. Sobrang laki pong achievement, syempre, to be paired with Ms. Claudine, sobra po akong nagpapasalamat,” sey ni Yasser.
Looking forward din si Claudine na makatrabaho ang mga baguhang artista ngayon. Nakaka-relate din daw siya sa feeling ng mga baguhan dahil pinagdaanan din daw niya ang ma-starstruck sa ibang artista noon.
“Natutuwa ako kasi alam ko ‘yung feeling when I was starting tapos may mga makakaharap ka na beteranong aktres o malalaking artista, talagang nakaka-starstruck, nakakanerbyos.
“Kaya I make sure to make them feel comfortable, lalo pa kasi ‘yung mga eksena namin ni Yasser lagi akong masungit. Pero nakita ko ‘yung talent agad sa kanya. magaling siya talaga. Lahat nga sila, malayo talaga ang mararating.”
Lexi Fernandez, misis na
Kinasal na ang dating Kapuso tween star na si Lexi Fernandez sa kanyang fiance na si Harry Cordingley. Naganap ang intimate ceremony sa Exeter, Devon sa United Kingdom.
Post ng ina ni Lexi na si Maritoni Fernandez on Instagram: “Today my only baby girl @itslexif married the love of her life @ohcharlesharry in a most intimate UK wedding here in Exeter.”
Naging bahagi si Lexi ng weekly teen series na Reel Love Presents Tween Hearts kung saan nakasama niya sina Barbie Forteza, Joshua Dionisio, Bea Binene, Jake Vargas, Louise delos Reyes, Derrick Monasterio, Joyce Ching, Kristoffer Martin, Hiro Peralta, Yassi Pressman at Kylie Padilla.
Lumabas din siya sa mga teleserye na Nita Negrita, Iglot, Kakambal ni Eliana, Ilumina, Together Forever, Alice Bungisngis, Endless Love at Magdalena.
Noong 2015 ay tinalikuran ni Lexi ang showbiz para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa University of Asia and the Pacific. Naka-graduate siya noong 2019 sa kursong Bachelor of Science in Child Development and Education.
Sofia, may bagong lovelife
Nagde-date na ulit ang Modern Family star na si Sofia Vergara pagkatapos ng divorce niya sa aktor na si Joe Mangganiello noong nakaraang July.
Namataan ang 51-year old Colombian actress on a date with 49-year old Dr. Justin Saliman na isang orthopedic surgery specialist in Los Angeles, California.
Naka-move on na rin ang ex-husband ni Sofia na si Joe. Dine-date ng Magic Mike actor ang actress-TV host na si Caitlin O’Connor.
- Latest