^

Pang Movies

Heart, worth P13 million ang bagong Hermes bag?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Heart, worth P13 million ang bagong Hermes bag?!
Heart Evangelista

Napanood namin ang reels ng electronic billboard ni Heart Evangelista para sa Ion Orchard, isang luxury mall sa Singapore. Malaki ang electronic billboard, mababa at nadaraanan ng mga sasakyan. Ibig sabihin, pati passengers, malapit na nakikita ang electronic billboard.

Makikita siya sa loob ng mall at peg ang pagiging fashionista ni Heart. Ipinakilala siyang “The Face of Ion Orchard” at may caption pa na “Heart all over Singapore.’

Samantala, nakakatuwa ang sagutan ng fans at bashers sa nabalitang may worth P13 million Hermes bag si Heart. Hermes Blanc Matte Himalaya Niloticus Crocodile Kelly 25 with Palladium Hardware ang nasabing bag. Kasama raw ang bag sa P163 million worth of Hermes bag collections ni Heart.

May nag-comment kasi na ang mamahal at milyones ang worth ng bag collections ni Heart, tapos hindi sila matulungan. Tanong ng fans ni Heart, bakit siya tutulungan? Bakit daw hindi siya magtrabaho eh bata pa naman siya para magtrabaho at hindi umasa sa tulong ng iba?

Ang nakakaloka pa, ang nag-comment na hindi sila matulungan ay panay ang flex ng mga mamahaling gamit, travel niya abroad at mga kinakain. Naglalaro rin siya ng golf, kaya tanong uli ng fans ni Heart, saan siya kumukuha ng pera kung wala siyang trabaho?

Gabby, may ipinamanang throwback shades kay KC

Natawa kami sa comment ng isang netizen tungkol sa Ray Ban na suot ni Gabby Concepcion sa old photo na pinost ni KC Concepcion to greet her dad on his birthday. Sabi kasi ni Gabby, ipinamana na niya kay KC ang vintage Ray Ban na ayon pa sa netizens ay worth P20K.

Kanya-kanyang comment ang netizens at pinuri ang pagiging masinop ni Gabby sa mga gamit at bata pa si KC sa photo, kaya imagine na hanggang ngayon, naitago pa rin ‘yun ni Gabby. Ilang dekada na raw kaya ang sunglasses.

May nag-comment na kaya mayayaman sina Gabby, Aga Muhlach at Richard Gomez dahil masisinop at sinundan ng comment na the three work hard kaya mayayaman na totoo naman.

And speaking of Gabby, mapapanood na uli siya sa teleserye ng GMA-7  dahil premiere na sa November 13 ang Stolen Life na tungkol sa astral projection na agawan ng kaluluwa. Kasama niya rito sina Beauty Gonzalez at Carla Abellana at si Ms. Celia Rodriguez.

Mga kasambahay ni Alx, nag-iyakan

Nasa IG Stories ni Alex Gonzaga ang pag-iyak ng kasambahay niyang si Jen pagkatapos mapanood ang interview niya sa Toni Talks ni Toni Gonzaga kung saan, ikinuwento ang second miscarriage niya.

Kuwento ni Alex, nakita niya si Jen na umiiyak nang kanyang tanungin kung ano ang nangyari at bakit siya umiiyak, bigla siyang niyakap at sumagot na noon lang niya natapos (panoorin) ang interview kay Alex sa vlog ni Toni.

Akala namin, just this once, walang mamba-bash kina Toni at Alex, lalo na kay Alex dahil sa pinagdaanan, pero may mga netizen na galit pa rin sa magkapatid at magtataka ka kung ano ang matinding kasalaman nina Toni at Alex sa netizens?

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with