^

Pang Movies

Vice, inurirat ang breakup ni Kim kay Xian?!   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Vice, inurirat ang breakup ni Kim kay Xian?!            
Showtime Host

Sa episode ng It’s Showtime ay napag-trip-an na naman ni Vice Ganda si Kim Chiu nang uriratin ng una ang love life ng aktres.

Tinanong ni Vice si Kim kung sino ang nagpapangiti sa aktres lately at hindi agad ito nakasagot.

“Napaka-OA nito,” ang nasabi na lang ni Kim sa tanong ni Vice.

“Kami? Ako ang OA?” ang nakangiting tanong ni Vice na parang may ibig sabihin.

Tinanong pa ni Amy Perez si Kim kung meron bang gustong bigyan ng mensahe ang aktres.

“Hi,” sey naman ni Kim na hindi niya sinabi kung para kanino.

Ulit ni Tyang Amy, “mayroon ka bang gustong batiin?”

Pagkatapos nito ay inulit na naman ni Vice ang tanong kung sino ang nagpapangiti kay Kim lately.

“Ako? Siyempre, mga pamilya ko, kamag-anak ko,” sagot ni Kim.

Tiningnan ni Vice nang makahulugan si Kim at sey na naman ng aktres, “napaka-OA!”

Nakakaintriga ang mga tanong ni Vice at sagot ni Kim dahil alam naman ng Unkabogable Star na si Xian Lim ang boyfriend ng aktres.

Later ay tinanong pa ni Vice si Kim ng “ano ‘yung kulang ka ‘pag wala ito?”

Sagot ni Kim, “kulang ‘pag walang usap.”

Paliwanag niya, mahalaga raw talaga ang komunikasyon sa isang relasyon.

Sey ni Vice, “so, mahalaga sa ‘yo ang usap. Kulang ka kapag hindi mo siya nakakausap.”

Sagot naman ni Kimmy, “yes.” Tanong ulit ni Vice, “sino ba ito?”

Sagot naman ng Linlang actress, “kapatid ko, ate ko, papa ko, si Xi (Xian), sino pa ba? Marami, gusto ko lahat kausapin.”

Lately kasi ay may sitsit na hiwalay na sina Xian at Kim dahil hindi nga sila nakikitang magkasama lately pero itinanggi naman ito ng aktres nang makausap namin siya sa thanksgiving mediacon ng Linlang. 

Aniya ay okay naman daw sila ni Xi.

Melai, naka-chika si Lee Seung-Gi!

Proud na ibinahagi ni Melai Cantiveros ang larawan niya with South Korean superstar, Lee Seung-gi.

Sa kanyang Instagram post, ikinuwento ni Melai na na-meet na niya si Lee Seung-gi na kasama niya sa action-comedy film niyang Ma’am Chief na matatandaang sa South Korea pa nila ginawa.

“Lee Seung-Gi meet Lee SUNGKI (ako)  #MaamChief Showing na November 15 ,2023 and 14 Days nalang mapapanood nyu na kamiii 

“Directed by madam @kringkim and Produced by @pulpstudiosph Kamsamiiiiiii. Abangan ang MaamChief Cast sa Cebu November 3 and sa Gensan November 5,” ang caption ni Melai.

Sa naturang pelikula ay may cameo si Lee Seung-gi at isa pang South Korean actor na si Do Ji-han.

Matatandaang lumipad pa sa South Korea si Melai kasama ang kanyang pamilya noong Agosto para i-shoot ang naturang movie

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with