^

Pang Movies

Lea, kandidatang magkaroon ng wax figure sa Singapore

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Lea, kandidatang magkaroon ng wax figure sa Singapore
Lea Salonga

Mukhang malapit nang magkaroon ng kanyang sariling wax figure ang Filipina international star na si Ms. Lea Salonga sa Madame Tussauds Wax Museum.

Ayon sa Merlin Entertainments, ang company na nag-o-operate ng Madam Tussauds, pinipili na nila ang next Filipino celebrity para mai-display sa bagong branch ng Madame Tuusauds sa Singapore.

So far, tatlong Filipino celebs pa lang ang may wax figure sa Madame Tussauds sa Hong Kong. Ito ay sina Pambansang Kamao Manny “Pacman” Paquiao, at sina Miss Universe 2015 and 2018 na sina Pia Wurtzbach at Catriona Gray.

Nasa top of the list si Lea dahil bukod sa siya ang kauna-unahang Asian actress na manalo ng Tony Award for Miss Saigon, isa rin siyang Disney Legend dahil sa kanyang pag-awit sa mga Disney animation films na Aladdin at Mulan. Nakasama rin ang boses niya sa short film na Once Upon a Studio para sa Disney 100th anniversary.

After Here Lies Love, nasa London si Lea para sa tribute revue na Stephen Sondheim’s Old Friends. At muli siyang mapapanood sa mystery drama series ng HBO na Pretty Little Liars: Summer School.

Michelle, mag-isang lilipad sa El Salvador!

Ilang araw na lang at lilipad na si Miss Universe PH 2023 Michelle Marquez Dee for San Salvador, El Salvador para sa 2023 Miss Universe pageant.

Bibit ni Michelle ang mga dasal na maiuwi niya ang ikalimang Miss Universe crown para sa bansa.

Mag-isa lang daw siya na lilipad sa El Salvador at sa coronation night on Nov. 18 na niya makikita roon ang kanyang inang si former Miss International 1979 Melanie Marquez at close friends na sina Rhian Ramos, Sam Verzosa at marami pang iba.

Pinaghandaan daw niya ang lahat tulad ng pag-ayos sa kanyang makeup and hair dahil ‘di sila puwedeng magdala ng glam team. Pati ang pag-fit at pagsuot ng kanyang mga isusuot tulad ng swimsuits at evening gowns ay diskarte niya ang lahat. Pasabog daw ang national costume na isusuot niya sa pageant. Ito raw ang pinakamabigat na dala niya papuntang El Salvador.

vuukle comment

LEA SALONGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with