^

Pang Movies

Partner ni Diego, babaeng B.I pa rin

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Partner ni Diego, babaeng B.I pa rin
Diego at anak

Naalala tuloy namin ang isang jingle na ginawa ni Jose Mari Chan noon pang late sixties yata, para iyon sa isang greeting card na ang sinasabi niya, “no throws away memories”. Totoo naman iyon, lahat tayo ay may nakaraang ayaw nating malimutan, lalo na nga ang mga magagandang pangyayari sa ating buhay, mga bagay na gusto nating balik-balikan.

Naalala lang namin iyan dahil sa kaso ni Diego Loyzaga, na ngayon ay nag-aalok na ng kahit na anong reward, kung may magbabalik lamang ng nawalang cell phone ng kanyang partner.

Dahil daw ‘yun sa memories na naka-store doon.

Wala na siyang pakialam sa presyo ng cell phone pero ang importante ay ang mga naka-store na litrato.

Pero sa totoo lang mapulot mo man ang isang mahahaling cell phone, ang unang hahanapin sa iyo ng bibili ay nasaan ang charger? Kailangan  original charger. Kung bibili ka ng original na charger para lang maibenta ang napulot mong cell phone, lugi ka pa. Iyon namang bibili niyan malaki rin ang risk, dahil nawala nga iyan maaaring ireport na nanakaw, maaari iyang ma-trace kahit na palitan pa ninyo ng sim card, dahil sa IEMI number ng cell phone at kung mahuhuli iyan sa inyo, makakasuhan pa kayo ng “Fencing” o pagbili ng nakaw.

Kaya mas mabuti na isoli na lang kung may napulot kayong mamahaling cell phone.

At ang kaso nga ni Diego, ang hinahabol naman niya sa nawalang cellphone ng partner niya ay iyong mga picture ng kanilang anak na naka-store doon.

Pero more than sa pictures, mas interesado ang lahat, sino ba ang partner ni Diego at ina ng kanyang anak?

GMA may AI sa NCAA

Honestly ikinalungkot namin ang nakita namin sa NCAA coverage ng GMA noong Linggo, sa halip na ang mga mahuhusay nating sportscaster, ang naroroon at nagbo-broadcast ay sina Maia at Marco, hindi po sila mga tao, sila ay mga AI characters. Isipin ninyo, gamit ang makabagong teknolohiya, pinapalitan na nila ng AI ang mga tao.

Ang daming taong walang trabaho, tapos papalitan pa sila ng AI.

Gusto iyan ng nga kapitalista, wala silang babayarang suweldo ng AI, walang benefits iyan, hindi kailangan ng sick leave, vacation leave, at maging overtime pay. AI lang sila eh. Pero ilang tao ang mawawalan ng trabaho dahil sa ganyang sistema.

Nangyari na rin iyan sa pelikula. Noong araw napakaraming nabubuhay sa pelikula na kung tawagin ay stuntmen, sila ang gumagawa ng mga peligrosong aksiyon sa pelikula, maraming grupo iyan na ang pinaka sikat noong araw - SOS Daredevils. Pero nawala na sila ngayon, dahil bihira na nga ang gumagawa ng action films dahil magastos daw, at kung mayroon man, hindi na sila kinukuha dahil ang ginagamit na sa action scenes ay CGI.

Nawalan din ng trabaho ang mga extra. Kung noon kumukuha ng hanggang isang libong extras para sa malalaking crowd scene sa mga pelikula, ngayon kukuha na lang ng 20 o kung talagang tinitipid sampu na lang, at gagamitin na ang CGI para sila magmukhang marami.

Ang teknolohiya ay maganda, pero basta umaabot na sa ganyan na ang tao ay nawawalan na ng halaga.

Gay for pay feeling big star na

Feeling big star na ang isang baguhang male star dahil nakakalabas na siya ngayon sa mga gay series sa Internet.

Wala pa nga siyang pelikulang naipapalabas sa sine, feeling star na agad. Lagi niyang sinasabi na siya ay contract artist ng isang malaking kumpanya, pero wala naman siya isa mang project sa kumpanya, kasi nga panay ang gawa niya ng mga gay film na hindi naman sa kumpanya.

Pero magugulat ka sa kanya, barya-barya lang naman ang bayad sa mga gay indie, pero nakabili siya ng isang sportscar, halos gabi-gabi ay nasa mga watering holes na class, at halos sa mga five star hotels na tumitira, papaano niya naa-afford iyon.

At siya certified “gay for pay.”

vuukle comment

DIEGO LOYZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with