^

Pang Movies

Sunshine iniingatan ang mga anak na magka-jowa ng tulad ng kanilang ama?!  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Sunshine iniingatan ang mga anak na magka-jowa ng tulad ng kanilang ama?!           

Ipinagmamalaki ngayon ni Sunshine Cruz ang maganda niyang bahay, at sinasabi niyang pinaganda niya talaga dahil sa kanyang tatlong anak.

Magaganda ang tatlong anak ni Sunshine, hindi siya nagkaroon ng anak na pangit, na natural naman dahil dugong Cruz ang mga iyan.

Pero hindi maiiwasan na may mga manliligaw na sa kanyang mga dalaga, at kagaya ng laging sinasabi ng mga magulang, ang gusto nila kung liligawan ang kanilang anak ay pumanhik naman ng ligaw sa kanilang tahanan.

Ayaw siyempre ni Sunshine ng mabilisan.

Iyan ay isang bagay na napatunayan niya sa sarili niya. Mabilisan ang ligawan at masyadong bata pa  nang mag-asawa ang aktres, kaya hindi siya nagkaroon ng pagkakataong mapag-aralang mabuti ang lahat bago siya nagpakasal.

Inaamin naman ni Sunshine na natangay siya ng emotion sa kanyang unang boyfriend, kaya nagpakasal agad.

Naging mabigat na desisyon kay Sunshine nung makipaghiwalay kay Cesar Montano.

Isipin naman ninyo ang hirap na maging single parent at mag-isa niyang pinalaki ang tatlo niyang anak.

Of course ayaw niyang maranasan ng sino man sa kanyang mga anak ang kanyang pinagdaanan.

Vice at Ion, criminal case ang lalabanan!

Isang kasong criminal pala ang isinampa ng Kapisanan Ng Mga Social Media Brodkasters Ng Pilipinas laban kina Vice Ganda at Ion Perez dahil sa ginawa nilang paghimod ng icing ng cake sa kanilang daliri, at pagbibigay ng kakaibang facial expression, na sinasabi nilang bastos na napanood ng publiko kahit na hindi naman dapat.

Nakakagulat na isang kasong criminal pala ang iniharap laban sa mag-syota.

Pabor kami sa 12 araw na suspension ng It’s Showtime, sinasabi pa nga naming sa kanilang pagbabalik ay ilagay na sila sa SPG Classification dahil marami na pala silang violation, bago pa man ang icing incident.

Pero kasong criminal, ganun ba ‘yun?

At bakit sina Vice at Ion lang ang sabit sa kaso?

vuukle comment

SUNSHINE CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with