^

Pang Movies

Kris, sagana sa gatas   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Kris, sagana sa gatas                
Kris

Super happy si Kris Bernal na ang bongga ng supply ng kanyang breastmilk para sa kanyang baby na si Hailee Lucca.

Sa kanyang Instagram Story ay iflinex ng aktres ang dami ng nakolekta niyang breastmilk sa loob ng 10 minutes.

Makikitang may hawak na dalawang feeding bottles si Kris na may lamang breastmilk. In fair, marami-rami ang laman ng mga bote kaya naman super thankful ang aktres.

“The milk I collected in 10 mins... So grateful to be able to nurture my child this way... Thank you, Lord, for allowing me to feed my child through breastfeeding,” caption ni Kris.

As a new mom, sobrang hands-on din si Kris kay Hailee Lucca na kamukhang-kamukha ng amang si Perry Choi. At kitang-kita ring ine-enjoy niya talaga ang pagiging isang bagong ina kaya feeling namin ay matatagalan pa bago magbalik sa pag-arte ang aktres.

Kim, nag-blowout sa followers

Bilang pasasalamat for reaching 3 million subscribers on YouTube ay naglabas ng house tour vlog si Kim Chiu ng kanyang nabiling bonggang rest house sa Tagaytay.

Sa nakaraang vlog kasi ni Kim ay nangako siya sa kanyang fans na kapag umabot sa 3M ang kanyang subs ay maglalabas siya ng house tour vlog ng Tagaytay rest house at heto na nga, tinupad na niya ang kanyang pangako.

Sa vlog ay ikinuwento ni Kim kung paano niya na-acquire ang nasabing bahay.

“Nakuha ko ‘tong bahay na ‘to nung pandemic kasi parang na-realize ko, ang iksi ng buhay natin. Nung nagkaroon ng COVID, parang ang dami kong naiisip para sa sarili ko, para sa pamilya ko and para sa future ko kung anuman ang mangyayari sa akin,” sey niya.

Aniya, talaga raw isa sa dreams niya ay magkaroon ng rest house.

“Naisip ko na para saan pa’t nagtatrabaho ako kung hindi ko rin naman kukunin ‘yung pangarap ko. Sabi nga ng friend ko, never underestimate the power of your dreams.

“So, isa ‘to sa mga dreams ko na magkaroon ng dream house and minanifest ko talaga nang bonggang-bongga and ayan, finally it’s already here! It became a reality,” she said.

“Pahingahan, unique na lugar, sa lugar na malayo sa siyudad,” pagde-describe pa ni Kim sa nabiling property.

Ang nasabing rest house raw ang kanyang rechar­ging place. Na kapag sobrang napapagod na siya sa trabaho ay dito lang daw siya pumupunta para magpahinga at mag-recharge.

Payo niya sa netizens ay huwag daw tumigil ma­ngarap dahil hindi raw talaga imposible na matupad ang inyong mga pangarap basta’t pagtrabahuhan lang ito.

vuukle comment

KRIS BERNAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with