^

Pang Movies

Nunal sa ulo, kinatakutan...

Vinia Vivar - Pang-masa
Nunal sa ulo, kinatakutan...
Luis Manzano
STAR/File

MANILA, Philippines — For the first time ay naging seryoso si Luis Manzano sa kanyang latest vlog at hindi namin nakita ang kanyang pagiging kalog at mapagbiro.

Ang laman kasi ng kanyang vlog ay ang journey niya sa ginawang operasyon sa kanyang nunal sa ulo at ang biopsy na isinagawa rito.

Ikinuwento niya na bata pa lang daw siya ay may nunal na siya sa ulo na nakakapa lang niya at hindi naman daw niya nakikita. Kaya hindi niya napansin na lumalaki na pala ito.

Ang make-up artist daw na nag-ayos sa kanya sa Star Magic Ball kamakailan ang nakapansin na parang lumaki nang slight ang kanyang nunal.

Dahil dito ay nagdesisyon daw siyang ipa-check ito. Ilang doktor ang kanyang nilapitan at iisa naman daw ang sabi ng mga ito na mukhang okay naman daw ang nunal but siyempre, to be sure, mas maganda kung ipa-biopsy niya ito para malaman kung cancerous or benign.

Inamin ng mister ni Jessy Mendiola na kinabahan siya sa word pa lang na ‘biopsy.’

“Hindi kasi araw-araw na naririnig mo ‘yung salitang biopsy, ‘yung pagdaraanan mo na, ‘uy may kailangang i-biopsy sa ‘yo,” aniya.

Siyempre, ang papasok daw agad sa isip mo ay ang sakit na cancer.

“If sabihin mo bigla na may kailangan kang i-biopsy, kahit sabihin mong precautionary lang, kahit sabihin mo, ‘just to be sure,’ parang cancer comes to mind or kung anuman.

“Ang cancer kasi is one of those things na kahit sa kalaban mo hindi mo iwi-wish ‘yun. Ang dami kong mga kilala na unfortunately, nadale na ng cancer, people going through and you can see that it’s very life changing para sa kanila,” aniya.

Kaya naman the fact na may iba-biopsy sa kanya kahit pa may assurance siya na ‘wala lang ‘yan,’ nakaka-bad trip pa rin daw.

Hindi pa raw niya sinasabi sa kanyang mommy and daddy na sina Vilma Santos and Edu Manzano maging sa kanyang stepfather na si Finance Secretary Ralph Recto at ang nakakaalam lang daw ay ang kanyang misis na si Jessy, ilang barkada at mga kasama sa bahay.

“’Pag nalaman ni mommy ‘to, magkakagulo si mommy, kahit wala pang result, sigurado every .6 seconds, tatawagan niya ako,” aniya.

Ayaw na raw niyang mag-alala pa ang parents niya kaya hindi na muna niya ipinaalam.

So, hayun na nga, ipinakita ni Luis sa vlog na tinanggal ang kanyang bukol. Isinagawa ang operas­yon sa Belo Medical Clinic sa Greenhills branch at sandaling-sandali nga lang at procedure. Say ng TV host ay raw siyang naramdaman.

After the operation, ang pag-aantay naman ng result ng biopsy ang sumunod na ikina-stress ni Luis. Umabot din ng mahigit isang linggo ang kanyang paghihintay.

And finally, nang makuha na nga niya ang result ng biopsy, laking pasasalamat niya na benign ito kaya naman bilang mini-celebration ay nagpaikli siya ng buhok.

Nang malaman nga raw ito ng mommy niya ay napaiyak pa raw ito.

Sa huli, say ni Luis, ginawa raw niya ang vlog na ito to create awareness sa ganitong klaseng senaryo.

“Hindi mo basta-basta naririnig ‘yung ‘uy, may nunal ka, pa-tsek mo.’ Worst case scenario could be some form of skin cancer. So, ‘yun lang. Just to create awareness na may ganu’n,” ani Luis.

vuukle comment

LUIS MANZANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with