^

Pang Movies

Joshua, nagandahan kay Barbie  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Joshua, nagandahan kay Barbie             
Barbie at Joshua

Si Barbie Forteza ang binanggit ni Joshua Garcia nang tanungin niya kung sino para sa kanya ang Best Dressed sa dinaluhan niyang GMA Gala noong Sabado ng gabi.

“ Hindi s’ya ganun ka-flashy pero at the same time, nandun yung pagka-elegante nung babae,” sagot ni Joshua sa interview ng GMA.com

 Maganda naman talaga si Barbie lalo na nga’t bagay sa kanya ang naging ayos.

Nasalubong nga namin iyan minsan sa supermarket walang ayos at walang make up pero napakaganda pa rin talaga.

Pagkatapos noon nasalubong namin ang isang ka­kilala at tinatanong kami kung sino ang napakandang babaing kinausap namin, eh si Barbie nga iyon.

Mabilis  naman siyempre ang mga troll, naglabas agad sila sa social media ng picture nina David at Joshua.

Pero itong sa amin ay observation lang, si Joshua ay typical na mestizo na Pinoy na makikita mo sa mga mall sa BGC, o doon sa Starbucks sa Plaza de San Antonio sa Forbes Park o sa Glorietta. Ganyan din ang tipo ng masasalubong mo sa Taft Avenue galing sa St. Benilde, o kaya sa Katipunan galing sa Ateneo.

Guwapo rin naman si David Licauco. Ganyang tipo ng lalaki ang masasalubong mo sa Teodora Alonzo, Gandara, T. Pinpin at sa Tomas Mapua sa Ongpin. Marami ring ganyan sa Lucky Chintown, 999 at 168 (mga mall sa Divisoria).

Wala kaming pinipintasan ha, ang sinasabi lang namin pareho silang guwapo, pero magkaiba ng tipo.

Ibang tipo rin naman ang syota ni Barbie na si Jak Roberto. Iyan ang typical Pinoy pogi na makikita mo kahit saan.

So alam na kung sino ang may class, ordinary at pang mumurahin lang.

Aktres, nilayasan ang mister dahil sa pambababae!

Malala ang tsimsis na narinig namin noong isang umaga. Nilayasan daw ng isang aktres ang kanyang asawa nang malaman niyang nambababae pala iyon.

Pareho naman sila may edad na, at malalaki na ang kanilang mga anak. Pero napakaganda pa rin naman talaga ng aktres.

Siguro kung mambabae man si mister, pampalipas oras lang iyon.

Hindi naman dapat na lumayas agad ang aktres. Dapat niyang isipin na nang makuha naman siya ni mister, marami na rin siyang pinagdaanan.

Hindi naman siya iyong kasing fresh at kasing sweet ni Barbie.

LJ, gumanda kahit busy sa pagpapakasal

Ang ganda ni LJ Reyes sa pre-nuptial pictures na kuha sa New York. Ikakasal na siya sa boyfriend na si Phillip Evangelista.

Sa hitsura ay masayang-masaya si LJ na parang nabunutan ng tinik sa dibdib.

Umalis siya sa Pilipinas kasama ang dalawang anak matapos na hiwalayan ni Paolo Contis na nakakita ng “bagong friend” at dinala sa Baguio.

Walang awayan, walang usapan, basta na lang siya iniwan. Parang umulit lang naman ang kuwento.

Nauna na kay LJ si Liaz Paz na naanakan din ni Paolo - sina Xonia at Xalene. Sinuwerte rin si Lian, nakilala niya ang cager at businessman na si John Cabahug.

Gusto nilang pakasal pero ‘di pa pwede dahil hindi pa annulled sina Paolo at Lian.

Mukha ngang sinusuwerte ang mga babaing naaanakan at iniiwan ni Paolo.

Tulad ni John handa rin daw panagutan ng pakakasalan ni LJ ang responsibilidad sa mga anak niya sa dalawang P - Paulo Avelino at Paolo Contis.

vuukle comment

JOSHUA GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with