^

Pang Movies

Sharon, nagkasakit dahil sa stress!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Sharon, nagkasakit dahil sa stress!
Sharon Cuneta

May sakit pa rin si Sharon Cuneta base sa ibinahagi niyang update sa kanyang Instagram page.

Matatandaan nga kasing sa previous posts ni Megastar ay sinasabi niyang naka-rest siya sa bahay because she’s not feeling well. In her latest update ay ibinahagi niyang nagpa-check up na siya at pinagpapahinga raw siya ng one week.

“Went to my doctor in St. Luke’s BGC yesterday. She inserted a camera into my nose and mouth. Sobrang clogged daw ang ilong ko and my throat is so swollen and papunta nang infection kaya ang dami kong gamot ngayon,” sey ni Mega.

“Nasanay na lang daw ako sa feeling ng barado ang ilong at masama ang lagay ng throat kaya di ko na narerealize pag ganon (!),” patuloy niya.

Aniya ay nagsimula pa raw ang sakit ng throat niya bago pa man siya mag-guest sa E.A.T. nina Tito Sotto, Vic Sotto and Joey de Leon. Na nagpatuloy pa hanggang sa shooting nila ng movie ni Alden Richards.

“Haaaay…Kasi init/ulan lagi sa shooting namin. Before my guesting sa e.a.t. TVJ, weird na ang throat ko at naapektuhan na at sinabi ko na sa shooting yon isang gabi.

“Kaya pala wala akong boses sa e.a.t. nung nirequest doon na kantahin ko bigla ang part ng ‘Bituing Walang Ningning…’Dapat pala hiningi ko magbalot ng boses! (face with tears of joy emojis),” sey pa ni Mega.

Fatigue and stress-induced daw ang findings sa kanya ng doktor at kailangang ipahinga ang boses. Bukod dito ay may acid-reflux pa siya.

“Sinabi ng doc ko kailangan ko daw i-rest ang voice ko ng one week… Bukod daw sa fatigue, stress-induced daw. Kaya isang malaking “tenk yu” sa mga nagbibigay sa akin ng stress pinasaDios ko na kayo! May acid reflux pa ako susmaryo­sep…” aniya.

Kaya hayun at hindi makapag-shooting si Mega ng movie nila’t miss na miss na nga raw niya ang ‘anak’ na si Alden.

“Haaaay naman miss na miss ko na ang set namin at mga kasama ko doon mula kay Direk Nuel @directfromncn hanggang kay @jackielou.blanco at siempre ang anak kong mahal na mahal ko at mahal na mahal ako! @aldenrichards02,” ani Shawie.

Michael Pangilinan, hinahanap ng dating manager!

Para sa kanyang bagong vlog na “OOTD” sa YouTube, ayon kay Jobert Sucaldito ay gustu ng-gusto niyang mai-guest at ma-interview ang dati niyang alagang si Michael Pangilinan na by the way ay nasaan na nga ba ngayon.

Matatandaang si Jobert ang dating manager ni Michael pero sa kasagsagan ng kasikatan ng singer in 2018 ay bigla na lang nitong iniwan ang manager at mas piniling solo na lang patakbuhin ang kanyang karera.

Sa launching ng vlog ni Jobert at ni direk Chaps Manansala, naitanong nga namin sa manager kung sino ba ang dream niyang ma-interview for his vlog at isa sa pangalang sinabi niya ay si Michael.

“Itatanong ko lang sa kanya kung ano ba talaga ang relasyon namin. Minahal ba niya ako bilang nanay niya. Kasi parang nakukulangan ba ako sa respeto, eh,” sabi ni Jobert.

“Kasi, okay na kami, eh. Pero ‘yung mga pangako na we’ll be connected. Hindi siya nakipag-connect, eh. Tumatawag ako, hindi siya sumasagot. Nag-okay na kami last year,” sabi pa ni Jobert.

Anyway, isa pang gustong ma-interview ni Jobert at ang mentor at kasamahan niya dati sa The Buzz na si Boy Abunda. Dahil gusto raw niyang ma-experience at makitang ito naman ang ini-interview at hindi ‘yung laging the other way around.

Anyway, sa mga gustong mapanood ang vlogs ni Jobert and direk Chaps sa YouTube, just visit Jobert and Chaps Channel.

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with