^

Pang Movies

Kahit pagkakakitaan aktor, ‘di kayang makipaglaswaan!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Bongga ang isang actor.

Afford niyang i-reject ang mga offer na laswaan.

Tumanggi nga ang isang aktor na gumawa ng digital bold film.

Obviously hindi kaya ni aktor ang mga malalaswang eksena ng pelikulang mapapanood sana sa streaming platform.

At least hindi nakiuso ang aktor or hindi naki-level sa isang actor din na parang wala nang choice kundi sumabak sa hubaran. Na wala namang masama dahil buhay niya ‘yun.

Alam mo nga lang na mas may pera ang tumangging aktor kesa sa aktor na gawa nang gawa ng mga digital sexy movie para magkadatung.

Mag-asawang Vice at Ion, bumili ng baby!

Kapresyo na ng bahay iba ang halaga ng bagong baby nina Vice Ganda and Ion Perez.

Laging inuurirat ang mag-asawa kung kelan ba talaga sila magkakaanak.

Kaya naman sa isang vlog ay nag-celebrate ang followers nila nang i-upload nila ang “Vice-Ion, may Baby na!”

Matagal daw nila itong pinaghandaan at pinag­planuhan ayon kay Vice habang nasa kotse sila ni Ion. “Gusto naming magka-baby para lalong sumaya ‘yong bahay namin. Para may mapag-sharean kami ng saya, tapos may magpapasaya sa aming bago. Meron kaming lalambingin, meron kaming mamahalin, meron kaming aalagaan. Para lalong maging masaya ang life, so we plan to have a baby para sumaya ang mundo,” aniya sa nasabing vlog.

May mico chip and passport ang napili nilang baby.

Maraming pinagpilian si Vice kasi ang gaganda nga naman at iba’t iba ang lahi.

Pero isang apat na buwang super cute na combination ng black and white pomeranian ang iniuwi nila dahil parang gustung-gusto raw sila nito at makikita nga naman parang na-excite sila nang makita sina Vice and Ion.

Ang iba nilang nagustuhan ay sold na pero ang kukyut nga.

At ang halaga ng nasabing puppy, P380,000.

Nag-shopping din sila ng mga higaan nito na worth P16,000.

Sabi nga ni Vice, hindi sila nagpa-college sa nasabing presyo o may special power ba ‘yun pero ganun nga ang presyuha ng mga aso ngayon.

Pabibinyagan daw nila ito at may big party.

So certified fur-parents na ang mag-asawa.

Ang dami na actually ngayong fur-parents. Kahit sa mall magugulat ka ang nasa stroller pala hindi human baby kundi aso.

Maaalalang nag-comment si Pope Francis nang pag-usapan ang parenthood na isang form of selfishness ang pag-aalala ng aso kesa pag-aampon.

“We see that some people do not want to have a child.

“Sometimes they have one, and that’s it, but they have dogs and cats that take the place of children.

 “This may make people laugh, but it is a reality,” banggit ng Santo Papa.

Aniya ito ay “denial of fatherhood and motherhood and diminishes us, takes away our humanity.”

Sinabi pa ni Pope Francis na “huwag matakot” sa pagsisimula sa pagiging magulang.

Piolo, lagare sa pelikula

Halos walang pahinga this 2023 si Piolo Pascual.

Ang dami niyang nakapilang gagawin habang ang ibang mga kasabayan niya ay nganga.

Kasama rito ang mga pelikula. “It will be a busy year. We are already planning for the next quarter because we have some films to release.

“I am also doing another film and I am resu­ming the shoot by next week. Aside from acting, I am also producing some of my films,” aniya sa media conference ng Sun Life a week ago.

Katatapos lang din niya ng isang eight-part series, My Amanda, kasama si Alessandra de Rossi na ipapalabas sa Netflix, ang unang Filipino series sa platform.

 Meron din siyang GomBurZa, kung saan meron siyang special participation bilang Pedro Pelaez. Ipapalabas ang pelikula sa Disyembre.

Mag-uumpisa na rin siya sa The Ride, isang suspense-crime thriller kasama si Kyle Echarri na nakatakdang ipalabas din ngayong taon.

 Sinimulan niya rin ang kanyang unang musical, ang Ibarra, na itatanghal sa Hunyo. And then meron din siyang tour.

“There’s another film I’m doing when I get back in August for September. So, 2023 is a pretty tough year. Blessings keep coming in, so you just take on the challenge,” pahayag pa ng aktor na kahapon ay nag-aaya sa kanyang Facebook account na mag-roadtrip.

vuukle comment

ION PEREZ

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with