^

Pang Movies

Amy, mas piniling magtanim ng gulay!

Joe Barramaeda - Pang-masa
Amy, mas piniling magtanim ng gulay!
Amy
STAR/ File

Simula nang nagka-pandemic ay tumigil pansamantala sa pagtanggap ng mga proyekto si Amy Austria. Mas pinili nitong manatili sa beach house nila sa Batangas at nag-enjoy sa pagtatanim ng mga gulay habang nilalasap ang sariwang hangin ng dagat.

Ngayon ay nagbabalik si Amy sa upcoming teleserye na Hearts On Ice na magsisimula nang umere sa Lunes, March 13, ng gabi sa GMA.

Maraming seniors at young stars ang kasama niya sa nasabing teleserye na pinagbibidahan nina Xian Lim at Ashley Ortega.

At natutuwa si Amy na magagalang daw ang young stars na ito sa seniors.

Sabi nga ni Lito Pimentel na gumaganap bilang asawa ni Amy ay wala siyang problema sa young stars.

Pangaral lang niya sa mga ito ay manatiling nakatapak sa lupa ang mga paa nila kahit sumikat na sila.

Hindi nga naman gaya ng iba na hindi na nakakakilala dahil sa kasikatan.

Ruru, ayaw na uling maghirap

Ibang-iba na pananaw ni Ruru Madrid ngayong nasa mid-20s na siya at may karelasyon. Nakatanaw na siya sa future niya at marami nang plano sa buhay.

Isa sa pangarap ni Ruru na mabigyan niya ang pamilya niya na isang bagong bahay na matatawag niyang muna sa pawis at hirap niya.

Ayaw na kasi ni Ruru ang naranasan niya noong bata pa siya na nakikitira lang sila lalo na noong kasagsagan ng bagyong Andoy na pinasok ng baha ang ground floor ng tinutuluyan nila at siksikan sila sa taas ng bahay.

Mahirap ang pinagdaanan niya noon at kaya nung nabigyan siya ng pagkakataong maging artista ay walang reklamo at trabaho lang nang trabaho. Kaya ngayon ay maganda ang buhay ng pamilya niya dahil sa kanya.

Noong kabataan ni Ruru ay mahilig gumimik na inaabot na ng umaga sa mga bar at napaka-playboy nito.

Mabuti na lang at nag-mature na at focus sa trabaho at looking for a bright future.

vuukle comment

AMY AUSTRIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with