^

Pang Movies

Iya at Chef Jose, magtuturo ng matipid na recipes!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Iya at Chef Jose, magtuturo ng matipid na recipes!
Iya at Chef Jose

Dahil nga sa pagtaas ng mga bilihin ngayon, talagang hindi maiwasang magtipid ng marami at pati nga ang ingredients ng pagkain ay tinitipid na rin.

Mabuti na lang at merong solusyon sina Iya Villania at Chef Jose Sarasola dahil ituturo nila sa Eat Well, Live Well. Stay Well. Season 4 ang mga recipe na masustansya pero abot-kaya ang halaga. Talagang malaking tulong ito ngayon na sobrang mamahal na ng bawat bilihin at umaangal na nga ang mga tao.

Sa mga namomroblema kung ano ang lulutuin nila ngayong holiday season, ayon kay Iya ay interesting recipes ang kanilang mga inihanda. Meron nga raw silang ipapakitang Christmas dish na usually, medyo sweet pero dito raw ginawa nilang savory! Talagang nilagyan nila ng twist ang mga pagkain. Kahit nga raw siya ay namangha.

Sabi nga ni Chef Jose, ‘pag nakita raw kung gaano kadaling gawin ay siguradong susubukan na rin ng mga manonood sa kani-kanilang mga bahay. Perfect talaga ngayon Christmas season. Kaya sure na inaabangan na ng mga manonood ang healthy meals pero pasok sa budget na nilagyan pa ng twist lalo na ng mga nanay para sa Pasko at Bagong Taon. Exciting talaga.

vuukle comment

IYA VILLANIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with