^

Pang Movies

Bryan at Rhea, mahilig mamakyaw ng pasalubong

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Bryan at Rhea, mahilig mamakyaw ng pasalubong

Masarap talaga ‘yung longganisa Imus na ipinagmamalaki ni Bryan Revilla ng Agimat Partylist. Hindi gaya ng ordinaryong longganisa na marami siyang garlic at masarap ihalo sa pasta.

Kaya naman pala kilalang-kilala na ang Longganisa Imus dahil kahit saan magpunta si Bryan Revilla, may dala siya nito para ipatikim sa mga nami-meet niyang bagong kakilala.

Bongga siya, dapat bigyan siya ng lifetime supply ng mga gumagawa ng longganisa, dahil siya talaga ang parang marketing arm ng longganisa industry ng Imus. Ang pangalan na nga niya, Bryan Longganisa hah hah hah, joke joke joke.

Si Rhea Tan ng Beautederm ang lagi namang pasalubong ay bagnet at suka ng Ilokos. Meron siyang suki na kilalang-kilala na siya at naging suki rin si Mr. Fu.

Suwerte ang mga tindahang binibilhan nina Bryan at Rhea dahil sobra sila kung bumili, talagang bulto-bulto dahil ipinamimigay nila sa mga kaibigan bilang pasalubong.

Si Rhea Tlinggo-linggo kung umuwi ng Vigan kaya naman imagine kung gaano karami ang nabibili niyang bagnet at suka tuwing umuuwi siya.

Napaka-sweet naman kasi ni Rhea na kahit sa Vigan lang nagpunta, talagang may pasalubong pag-uwi. Kaya siguro ang dami niyang nabili sa Singapore nang i-invite siya ng LV as VIP customer dahil sa rami ng nabili niya sa store ng Louis Vuitton.

Lucky talaga ang friends niya.

vuukle comment

BRYAN REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with