^

Pang Movies

Kakai, pangabog ang self-confidence  

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Kakai, pangabog ang self-confidence         

Reyna talaga ng self-confidence si Kakai Bautista. Ngayong summer ay muling pinakita ni Kakai ang kanyang walang takot na paglantad ng alindog sa pagrampa na suot ang kanyang swimsuit. Pinaglalaban kasi ng komedyante ang body positivity and women empowerment.

Bilang si Pepita sa First Lady, laban lang kung laban si Kakai at lagi raw maniwala sa inyong sarili na ikaw ay maganda.

Iya, struggle ang pagbubuntis

Nag-time out muna at nag-family vacation si Iya Villania kasama ang kanyang pamilya sa Boracay. Gusto nila ng kanyang mister na si Drew Arellano na ma-enjoy ng kanilang anak ang summer ngayong puwede na silang ilabas pagkatapos ng tatlong taon.

Hindi rin nagpaawat ang Mars Pa More host na ipakita ang kanyang baby bump suot ang swimwear na ka-match niya ang kanyang dalawang boys na sina Primo at Leon.

 Ito raw ang first time nilang bumiyahe ni Drew na kasama ang tatlong anak nila, kaya nataranta daw silang mag-asawa. Pero kasiyahan nilang makitang nag-enjoy ang kanilang mga anak sa bakasyon nila. “Struggled with the family pix as much as I struggled with getting the kids out of the swimming pool on our last day. But what a wonderful first trip to Bora for Team Arellano! First time to fly with 3 kids,” sey ni Iya.
Inamin ni Iya na ang ikaapat na pagbubuntis niya ay mas mahirap dahil nakaranas siya ng all-day sickness. Hindi raw tulad sa naunang tatlong bata na magaan ang feeling niya. Naisip ni Iya dahil sa 35 years old na siya kaya siguro iba na ang pakiramdam niya.

Kaya ang solusyon ni Iya ay laging mag-exercise para hindi lagi siyang gumagalaw at malaking tulong din daw sa movements niya ang mag-TikTok.

Jim Carrey, tinawag na selfish si Will

Tinawag ni Jim Carrey na “selfish” at dapat daw ay inaresto at kinasuhan si Will Smith dahil sa ginawa nitong physical assault kay Chris Rock on live telesvision.

Hindi lang daw makapaniwala ang komedyante na binigyan pa raw ng standing ovation si Will after nitong manakit sa kapwa niya black actor.

Though hindi sila magkaibigan, magkakilala raw sila ni Will at sana raw ay hindi makaapekto ang ginawa niya sa pagpanalo niya ng Oscars Best Actor.

 Dahil sa naturang insidente, puwede raw bawiin ng Academy ang best actor award ni Will dahil sa pinakita nitong behavior towards a fellow actor at ang disrespect na ginawa nito during the live show.

vuukle comment

KAKAI BAUTISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with