^

Pang Movies

Roi, pasok na rin sa Probinsyano

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Roi, pasok na rin sa Probinsyano
Roi Vinzon

Pagkalipas ng walong taong pamamalagi sa Kapuso Network, ang veteran actor na si Roi Vinzon ay napapapanood na ngayon sa top-rating and long-running action-drama series na FPJ’s Ang Probinsyano kasunod ng pagpasok sa serye ng megastar na si Sharon Cuneta.

Sobrang natutuwa si Roi na sa wakas ay kabilang na siya sa cast ng maituturing na iconic TV series na pinapangarap na masalihan ng maraming artista.

Ang huling TV series sa GMA ay ang To Have and To Hold na tinatampukan nina Carla Abellana, Rocco Nacino at Max Collins.

Marian, maraming dadalhing gown

Alam mo, Salve A., sigurado na ang isang boto sa kinatawan ng Pilipinas sa ika-70th anniversary ng Miss Universe pageant na gaganapin sa Universe Arena ng Eilat, Israel sa darating na Dec. 12 ng gabi (Dec. 13 ng umaga sa Pilipinas) at ito’y magmumula sa Kapuso primetime queen na si Marian Rivera na isa sa mga uupong hurado sa coronation night ng 2021 Miss Universe pageant.

Si Marian ang pang-apat na Filipina celebrity na naimbitahang maging isa sa mga hurado ng Miss Universe. Nauna na rito ang Pop Diva na si Kuh Ledesma nung 1991 na sinundan ng Broadway star na si Lea Salonga nung 2011 at ang ikatlong Filipina Miss Universe na si Pia Wurtzbach nung 2018.

Sa sobrang excitement ni Marian, hindi niya tuloy malaman kung alin sa pitong gowns na gawa ng kilalang fashion designers sa Pilipinas at sa ibang bansa ang kanyang isusuot sa coronation night. Nariyan ang mga gown na gawa nina Francis Libiran, Vera Wang, Andrea Tetangco, Mak Tumang, Jo Rubio, Chris Nick, Joel San Antonio at Steph Tan.

Toni, na-master na ang pagiging film producer

Hindi ikinakaila ng singer, actress, TV host at film produ­cer na si Toni Gonzaga na ang kanyang husband na si Direk Paul Soriano umano ang nag-engganyo sa kanya na subukan ang pagiging film producer para lubos nitong maunawaan ang film production at pagiging isang producer.

With her younger sister na si Alex Gonzaga as one of the partners, itinatag ni Toni ang Tincan Film Production na hiwalay sa Ten17P Production ng kanyang mister na si Direk Paul.

First produced movie ng Tincan ang 2018 Metro Manila Film Festival movie na Mary, Marry Me kung saan kabituin ni Toni sina Alex at Sam Milby. Kasunod na itong 2021 MMFF movie na ExorSis na muli nilang tinatampukan ni Alex kasama ang kanilang beshie na si Melai Cantiveros mula sa panulat at direksiyon ng ex-PBB housemate na si Fifth Solomon.

vuukle comment

ROI VINZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with