^

Pang Movies

Mga basher, gustong maging manipulator

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Now parang nakikita ko na kung ano ang motive ng ibang bashers. Iyon bang gusto nila i-manipulate ang desisyon mo, ‘yung gusto nilang gawin mo, ‘yung sa kanila ang tama.

Kaloka dahil siyempre may individual differences ang bawat tao, merong mga desisyong biglaan kung mangyari, at hindi naman sila direktang concern kaya nakapagtataka na kung minsan very violent ang kanilang reaksyon. ‘Yung mag-aksaya ka ng oras at galit sa isang tao na hindi mo kilala, bakit kailangan mong gawin?

Sa panahon ngayon na napakaimportante ng oras dapat ‘yung relevant lang sa buhay mo ang asikasuhin mo. Why waste your time and emotion to someone na hindi naman relevant sa iyo? Time wasted is so precious.

Huwag kang magpatalo o magpa-manipulate doon sa bashers na ito ang gustong mangyari. Stay constructive, productive. Ang buhay mo ang mas mahalaga, hindi ‘yung sa mga gusto na guluhin ito. Hayaan lang natin sila, magbigay opinyon, at kung ano ang gusto nila, basta tayo, tuloy ang buhay. Tuloy ang ligaya. At bahala na sina Salve at Gorgy, ang frontliners ko, hah hah hah. 

Gretchen, pamilya pa rin ang turing sa mga dating katrabaho

Talagang feel ko na love ako nina Rusky Fernandez at Ana Abiera. ‘Yung bawat request na gawin ko talagang pinararating ng very small, intimate, at closest friends ni Gretchen Barretto sa kanya. At talagang hahangaan mo ang sense of fairness ni Gretchen dahil gusto niya, ‘pag ang isang grupo ang pinagbigyan niya, ‘yung buong grupo ang kasama, walang maiiwan. Iyon attachment niya sa showbiz kahit matagal na siyang wala rito, hindi niya pinutol.

Basta ang feeling niya pamilya pa rin niya ang mga dating kasamahan, pati showbiz writers.

Kaya nga masasabi mo na ang galing ng sense of gratitude niya, ngayon na puwede siyang tumulong, bukas ang mga palad niya. No motives, no agenda, just to spread joy and kindness.

vuukle comment

BASHER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with