^

Pang Movies

Jay, gusto nang ipasa ang trono sa pagiging hubadero

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Jay, gusto nang ipasa ang trono sa pagiging hubadero

Forty-five year-old actor Jay Manalo is back at his original home studio, ang Viva where he started his showbiz career in the 1990s. Ang kanyang debut movie ay ang action film na Brat Pack nung 1994 na sinundan ng Paracale Gang in 1996 at Urban Rangers. Mula sa action movies, nag-shift ang actor sa paggawa ng sexy mo­vies na kanyang sinimulan sa Gayuma na pinagtambalan nila ni Amanda Page. 

Naging malaking star naman si Jay nang kanyang gawin ang pelikulang Totoy Mola in 1997 na dinirek ni Abbo de la Cruz. Magmula noon ay naging sunud-sunod na ang paggawa ni Jay ng sexy movies tulad ng Kaliwa’t Kanan, Sakit sa Katawan, Bayad Puri, Bawal na Halik at iba pa. Nakagawa rin siya ng drama, comedy, fantasy at horror.

Naging in-demand din siya sa paggawa ng mga TV series tulad ng Mula Sa Puso at Pangako Sa `Yo sa ABS-CBN at Kung Mawawala Ka sa GMA na sinundan ng Bakekang at Zaido: Pulis Pangkalawakan. Since wala naman siyang TV network contract ay nagpalipat-lipat siya ng ABS-CBN at GMA. Naging bahagi rin siya ng Vietnam Rose ng Kapamilya Network at ma­ging ang top-rating and long-running action-drama series na FPJ’s Ang Probin­syano. Huli naman siyang napanood sa GMA sa pamamagitan ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday.

Gusto na niyang ipamana ang kanyang trono noon sa Viva sa mga mas nakakabatang actor ngayon tulad ni Sean de Guzman na siyang bida sa pelikulang Anak ng Macho Dancer na dinirek ng premyadong si Joel Lamangan.

Sina Jay at Sean ay muling magkasama sa pelikulang Mahjong Nights na launching movie ng Filipina-Korean sexy actress na si Angeli Khang. Tampok din sa nasabing pelikula na dinirek ni Lawrence Fajardo sina Mickey Ferriols, Liz Alindogan, Maricel Morales at Jamilla Obispo na nakatakdanag ipalabas sa Vivamax sa darating na Nov. 12, 2021.

Si Jay ay may 11 anak sa anim na babae at kasama na rito ang kanyang misis na si Raizza Manalo na kanyang pinakasalan in 2001.

Angeli, walang kiyeme sa hubaran

Thankful naman ang Filipina-Korean sexy actress na si Angeli Khang dahil matapos siyang mapanood sa pelikulang Taya na pinagsamahan nila nina Sean de Guzman at AJ Raval ay kasunod na rito ang kanyang launching movie.

Tulad ng ibang sexy stars and actresses sa bakuran ng Viva, wala ring kiyeme si Angeli sa pagpapaseksi kaya launching movie kaagad ang ipinagkatiwala sa kanya.

Nagpasalamat din si Angeli kina Jay at Sean na hindi umano siya pinabayaan laluna sa kanilang intimate scenes.

vuukle comment

JAY MANALO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with