^

Pang Movies

Shamcey, hindi nakaligtas sa virus kahit may bakuna!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Habang abala pala ang mga kandidata sa pahahanda sa Miss Universe Philippines, nakiki­paglaban naman sa virus ang kanilang national director na si Shamcey Supsup.

Pero kahapon ay COVID free na siya ayon sa kanyang post sa social media.

“3 weeks ago, what we all thought was just a simple flu turned out to be covid. It came as a shock because we were all fully vaccinated but we still got infected and even had mild to moderate symptoms. I would describe it as a really really bad flu. It was also the first time that I’ve experienced a total loss of smell and taste. Lucky enough, we were able to get better at home.

“Praying for everyone’s safety and for the pandemic to end soon.”

Samantala, gaganapin sa September 25 ang coronation ng Miss Universe Philippines 2021 at kabilang sa maingay ang pangalan ay sina Kisses Delavin ang Maureen Wroblewitz.

K Brosas nakunan ng P7-M!

Kinasuhan ng komedyana at TV host na si K Brosas ang contractor ng sana’y pangarap niyang sariling bahay.

Sa kanyang post, sinabi ni K na : “Ilang taon na po ang nakakaraan ng may kinontrata ako para gawin ang aking bahay dahil sa kagustohan kong umiwas sa malaking babayarin sa pag-upa ng townhouse at condominium unit. Isipin nyo nga naman, sa ilang taong pag-aartista ko, ngayon pa lang ako nagpapagawa ng sariling bahay.

“Nakakalungkot lang na kahit malaking pera na ang nabigay ko at kung tutuusin tapos ko na ang pagbabayad sa buong halaga, mahigit kumulang 7 milyon.. inabandona pa ng pinagkatiwalaan ko ang nasabing bahay. Maiintidihan nyo naman siguro ako na pinaghirapan ko yung pera na galing sa dugo, pawis at kakulangan ng tulog. Wala e, kelangan nating mangarap,” umpisa niya matapos mag-file ng demanda noong Biyernes.

Dagdag niya : “Ilang beses akong nakiusap, umiyak at humingi ng tulong, pero wala pa ding nangyari. alam lahat ng kaibigan ko kung ilang beses nakong nag breakdown, napadalas uli ang anxiety attacks ko dahil sa sobrang stress.. masaya ako lagi sa trabaho ko pero lingid sa kaalaman ng iba pag hindi nakaharap sa camera, grabe ang bigat at depression ko dahil sa pangarap kong bahay na para din sa anak ko.. Kaya napilitan akong maghain ng demanda kaninang tanghali sa tulong ng mga abogado ko at testigo ko. Kaya maraming salamat kina Atty. Nico Valderrama, Atty. Ramon Gerard S. Hernandez at Atty. Franco Aldo Cembrano.

“Naniniwala pa din ako sa justice system natin. I hope justice will be served at the end of the day,” ang buong post ni K.

Hindi biro ang pitong milyon lalo na nga at walang nakakaalam kung kailan uli magiging normal uli ang showbiz.

vuukle comment

SHAMCEY SUPSUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with