^

Pang Movies

Make-up artists at manikurista naambunan kaya ng ayuda?

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Hindi naman sa dahil lagi tayong naka-standby sa Bambbi Fuentes Salon, Salve. Pero napaisip ako, ano na kaya ang lagay ng mga make-up artist at manikurista ngayong lockdown at hindi pa pinapayagang magbukas ang mga parlor at barberya? Kawawa din naman sila. 

Kawawa din naman sila ha, kasi ang mga make-up artist na kagaya nina Bambbi, Fanny Serrano, Juan Sarte at iba pang mga kilala na, no problem.

Eh paano naman ang mga tauhan pa lang sa parlor na gaya nina Cris, Aneeza, Maya? Kasali ba sila sa SAP? Sa DOLE? Sa kalinga ng City Hall?

Dapat siguro buksan na ang source of income nila. Unfair naman kung wala na silang ayuda, wala pa silang trabaho, ‘di ba? 

Kathryn malabo nang mapalitan sa ‘posisyon’

Nakakatawa naman ang issue na sakang si Kathryn Bernardo. Imagine, ngayon pa iyon lumabas eh heto at star na star na siya.

Maganda naman at makinis ang legs niya kaya puwede namang madaan sa tamang porma at tamang posisyon at hindi na iyon mapapansin. Sexy si Kathryn at mahusay umarte kaya siguro hindi naman napupuna nu’ng una na sakang siya, kaya who cares about her legs?

Hindi na siya maiaalis sa posisyon niya ngayon as a big star, kaya sakang man o hindi, Kathryn Bernardo is Kathryn Bernardo, ‘di bah!

vuukle comment

BAMBBI FUENTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with