^

Pang Movies

Pia at Catriona, malabo nang mapalitan!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Pia at Catriona, malabo nang mapalitan!

Totoo iyon sinulat ni Ricky Lo sa STAR na baka maging irrelevant na ang mga beauty contest.

Imagine na mandatory na ang face mask at social distancing eh paano mo maa-admire ang beauty na natatakpan ng mask? Saka paano nga naman iyon presentation sa stage eh dapat malayo sila sa isa’t isa.

So sad nga na ngayong iba na ang hahawak ng Bb. Pilipinas, ang grupo na nina Shamcey Supsup at Jonas Gaffud saka nangyari ang crisis na ito.

Sana nakita natin kung ano ang pagbabago na ipapakita ng grupo nila Jonas at Shamcey.

Pero hintay-hintay lang naman dahil pag may nadiskubre nang vaccine, back to normal na ang lahat dahil meron ng panlaban.

For the meantime, wala munang papalit kila Pia Wurtzbach at Catriona Gray, sila pa rin may korona na pilit inaagaw ni coronavirus. Hahaha.

Korean oppas matatagalan pa bago uli magka-meet and greet

Isa pang affected talaga ay iyong concert scenes. Imagine iyong punuan at siksikan na concert venues na talagang enjoy na enjoy lahat at nadadala ng music ng mga performer, tapos bigla meron nang physical distancing at naka-mask ang lahat.

Siyempre bigla din matatakot ang taong pumunta o manood habang wala pang vaccine o gamot sa covid-19.

Hay naku, kahit siguro BTS pa iyan, iyon fear mo na baka makuha mo ang virus sa dami ng tao sa concert matatakot ka nang pumunta. At siguro iyon mga meet and greet ng mga Korean Oppa mali-limit na rin.

Naku huwag ka muna pupunta Jo In-Sung noh, bawal pa labas seniors baka hindi kita mapanood maliban na lang kung wear ako ng ribbon at magsuot ng hiphop at kunwari baby doll ako, hahaha, kadiri.

vuukle comment

SHAMCEY SUPSUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with